sa wakas
katahimikan.
para sa akin, hindi ingay ang simula ng bagong taon. sa halip, ang katahimikan pagkatapos nito.
hindi dahil takot ako sa paputok kaya ko nasabi iyon, pero dahil alam ko, matapos ang bisperas ay ang paggising ko kinabukasan na katahimikan lamang ang kamumulatan ko.
at sa katahimikan, alam ko na marami pa ang mangyayari. na maraming mabuting bagay ang mangyayari.
nawawala ang takot ko sa bawat paggising ko. panatag, payapa, tahimik. tamang hudyat ng bagong taon para sa mga bagong pangyayari sa mga bagong makikilala sa mga bagong mapupuntahan sa mga bagong pagkakataon.
madaming bagong mangyayari. at nanalig ako, lahat ng iyon ay magiging mas mabuti, mas maganda, mas mainam.
madaming bagong makikilala. mula sa kanila, alam kong madami akong matutunang bago.
madaming bagong mapupuntahan. maaring malayo, maaring malapit, nang sa gayon lalo ko pang makita kung gaano kaganda ang mundo.
madaming madaming madaming bagong pagkakataon na hindi ko alam kung paano mangyayari, kung saan, at kung sino ang makikilala o kaya naman ay kasama. hindi ko alam. pero nanalig ako na magiging mas mabuti ang lahat.
mas mabuti, mas maganda, mas mainam. nanalig ako na ganyan ang mangyayari ngayong taon.
at dahil ang lahat ng katapusan ay simula lamang ng isa na namang bagong kabanata.
praise God!
p.s.
baka kasi malabo ang dating, sinikap ko lamang isalin sa filipino ang, sa aking palagay,tema ko para sa taong ito. kaya para maging malinaw ito ang aking tema: "greater things have yet to come". paumanhin sa malabong pagsalin.
Wednesday, December 31, 2008
Tuesday, December 30, 2008
TAKOT AKO SA PAPUTOK part1: mga kwento noong nakaraang taon atbp
takot ako sa paputok.
kaya habang tinatayp ko itong blog na ito ay naprapraning ako sa mga maaring marinig na putok mula sa labas ng bahay. sa bawat boom na naririnig ay napapatalon ako mula sa aking kinauupuan.
kaya takot ako sa bagong taon. natatakot ako kapag sasapit na ang araw ni rizal. pagkatapos kasi nito ay bisperas na ng bagong taon. at sa ilang oras ay magsisimula na ang sunod sunod sa putok mula sa mga papel na pinuno ng pulbura at iba pang kemikal.
takot ako sa paputok at sa bagong taon mula noong bata pa ako. mula noong hindi ko na matandaan kung kailan. at gaya ng mga nakaraang bisperas ng bagong taon, halos ganito lang ang ginagawa ko, umupo sa tabi nang may bulak sa tenga.
at masaya naakong ganoon. masaya na akong may bulak sa tenga. higit pa doon, masarap ang media noche kaya masasabi ko, gaya noong ilang araw nitong taon, na wala na akong mahihiling pa.
kung isusuma-total ko ang mga nangyari para sa taon, mahihirapan ako bilang sasaglit na lamang ang oras na natitira nang sa gayon ay mahabol ko pa ito hanggang bago mag-kinabukasan. napakadaming nangyari sa napakadaming tao sa napakadaming lugar sa napakadaming pagkakataon. at sa dinami-dami ng kung ano man yun, isa lang ang masasabi ko, gaya ng kanina at ng dati, wala na akong mahihiling pa.
maraming nangyari. minsan masama, pero mas madalas na mabuti. pero sa likod ng kung ano mang kasamaan ay karunungan.
maraming nakilala. madaming nakadaplisan ng palad, mapa-apir man o abre-siyete o sadyang hawak lang. sa mga kamay na nakamayan, sa mga mukhang namukhaan, at sa mga kung ano pa, salamat.
maraming napuntahan. may malayo,may malapit. ngayong taon, natuto akong pumunta sa kung saan-saan at mula dito nakita ko kung gaano kaganda ng mundo sa likod ng usok, dumi at polusyon nito.
at sa lahat-lahat, uulitin ko ng hindi ko/mo makalimutan, wala na akong hihilingin pa.
kahit pa takot ako sa paputok.

Monday, December 29, 2008
bakasyonista blues: mga kwento kasama ni illuminada, dolores at eddie
sabi nila, "begin with the end in mind". kapag alam mo na kasi ang ending, alam mo na kung paano dadaloy ang kwento. pero hindi ko alam kung paano tatapusin itong akda.
kaya hindi ko din alam kung paano magsisimula liban sa hindi ito ang nakasanayan kong bakasyon.
kapag wala kasing pasok, mapa-sem break man o kahit sabado, linggo o lunes man, alam kong ang araw na ito ay para sa yfl, para magsilibi. at masaya ako dito.
kung walang asembli, may household meeting. kung walang household meeting, may service meeting. kung walang service meeting, may retreat. kung walang retreat, may camp. kung walang camp, may party, event, praise concert, conference, congress, fellowship, tambay, birthday, gala, sine at asembli ulit.
kaya laking taka ko kung bakit nasa bahay lang ako ngayong bakasyon.
hindi ako sanay. kahit na alam kong may gagawin naman (gaya ng mga youth camp na nahiya akong bisitahin at ang dyd na hindi ko na nadaluhan bilang hindi na ko pinayagan ng mga magulang ko) pumirme pa din ako sa bahay. kahit na labag sa sistema ng aking body organs, nakatengga lang ako.
buti na lang sinamahan ako nina illuminada,dolores at eddie. pati ng ilang penguin, si charlee, ilang weird na hayop, isang bugnuting waiter at ang tsismoso nitong kasama, mga puffle, polar bear, alimango, mga langgam, mga bubuyog, tsubibo, karusel, cotton candy, popcorn at kung ano pa.
sa pagtengga ko, hindi pala ako nagiisa.
hilig ko noong bata ako ang magbasa. ako pa nga, sa aking palagay, ang pinaka mabilis magbasa sa klase. pagbabasa lang ang hilig ko hanggang noong mag haskul ako.
hindi ko nga lang alam kung bakit pagtapak ko ng caleyj, nawala ang hilig ko magbasa. sa hilip, mas nahilig ako maglaro sa kompyuter.
pero hindi mo lang talaga maipagpapalit ang pers lab mo. kaya marahil ngayon, nabalik ako sa pagbabasa.
madami man akong namis, madami naman akong natutunan muli.
mahirap magsimula ng akda, lalo pa at malabo pa ang ending. gayunpaman may kasabihan pa din naman tayo "kapag may tiyaga, may nilaga". siguro pwede na itong nilagang ito.
praise God!
muli, nang maalala mo at maalala ko din: di mo maipagpapalit ang pers lab mo. :)

Thursday, December 18, 2008
rakabay beybeh!
aaminin ko na,
tulog lang ang inatupag ko sa pangalawang araw ng bakasyon at nawawalan na naman ako ng creative juices.
tanging tulog,kama at unan na lang ang laman ng isip ko. sa totoo lang, ngayon sy iniisip ko kung pwede ulamin ang panaginip, dahil tinatamad na akong ngumuya, nang sa gayon humupa ang pagkalam ng aking sikmura.
pero hindi ako gutom. sa totoo nga ay halos masukasuka ako dahil pinilit kong ubusin ang pagkaing nakahain bilang galang sa ikadalawampung anibersaryo ng aking mga magulang.
pero hindi nga ako gutom. hindi rin ako busog. wala akong mailabas dahil wala din naman akong nilamon.
kaya sa kumot at kutson ko na lamang ibabaling ang aking atensyon. itutulog ko na alng ang perwisyo. baka sakaling sa paggising ko malamig na ang ulo mo. at baka pwede na ting iulam ang panaginip ko.

Friday, December 12, 2008
carnabal
carnabal ang tema ng magaganap na lantern parade ngayong taon.
kaya ang kulay-kulay muli ng fa. nagkalat na naman ang samu't-saring mga rubber foam. at salamat dito kaya nakahiga ako ng ilang mga sandali para humupa ang sakit ng aking likod.
alam mo yung feeling ng sa paghiga mo eh kuma-krak ang mga buto mo sa likod dahil nastretch sila mula sa matagal na pagkaka-tupi? yung sarap na nakalapat ang likod mosa medyo malambot-lambot na hihigaan, mapa kama man yan o kutson o rubber foam.
grabe,walang sinabi ang mainit na sinigang sa paghiga matapos ang maghapong paghuhula-hoop at pagtratrabaho.
yung tipong wala na kong hihilingin pa.
sa totoo lang,kung hindi ako nagkakamali,ay hindi pa ako nakapunta ng isang carnabal. (not unless,carnabal na ang tawag sa ek at star city) pero base sa mga napapanood ko,ang saya saya saya lang talaga ng makapunta doon.
masaya sumakay ng tsubibo,masaya kumain ng cotton candy,masaya kapag kasama ang mga mahal sa buhay. basta masaya ang lahat. gaya nga ng nasabi ko kanina, wala nang hihingin pa.

Wednesday, December 10, 2008
para kay M[e]*
sumulat ako sa iyo, maria bianca,para paalalahanan ka na ang pangit pangit pangit na ng kamay mo.
magaspang, mamasamasa at namamalat na ang mga ito. meron pa kayang magtatangkang hawakan ang mga kamay mong iyan? malamang sa malamang, wala.
kaya nga marahil nauso ang kobyertos kasi walang may gustong kamayin ang kanin bilang ito ay malagkit. ganun din sa kamay.
at higit pa sa kamay mong pangit, pangit na din pati ang mukha mo.paano kasi ay lagi kang nagpupuyat. at tamad ka pa mag hilamos paguwi mo sa gabi kaya tuloy nananahan na ang polusyon ng kamaynilaan sa pores ng iyong mukha. yan tuloy para ka ng atis.
isamana natin pati ang dry mong buhok na parang walis pati ang madumi mong kuko na tinitirhan na ng kung ano anong germs. ah.pati na din pala ang baluktot mong likod at maitim mong balat. ang pangit pangit pangit mo lang talaga kung alam mo lang.
pero ang masama pa diyan, pangit ka na nga, pangit pa ang ugali mo. paano kasi ay masama kang nilalang. bilang katunayan, wala ng ibang lumabas sa bibig mo kundi kasamaan at marami ka ng nasasaktan sa pananalita mo. wala ka ng ginawang tama.
uulitin ko nang sa gayon ay matandaan mo. wala ka ng ginawang tama.
pero, maria bianca, kahit pa pangit ka, kahit pa taklesa ka, gusto ko ding ipaalala sa iyo na madaming nagmamahal sayo.
isipin mo ha, pangit ka nga pero kinakausap ka pa din ng maraming tao. sa katunayan eh dinadamayan ka pa nga nila sa panahong halos mamatay ka na sa pagod.
ito pa, masama man ang ugali mo eh sa paguwi mo naman sa bahay eh may nakahanda na kaagad na pagkain at pinagsisilbihan ka pa ng kapatid mong inaaway-away mo lang dati.
at kahit gaano pa kadaming tao ang nasaktan mo sa iyong pananalita, tandaan mong humihinga ka pa sa mga segundong ito na katunayan ng walang mintis na pagmamahal sayo ng Diyos.
ano pa ang hihilingin mo?
sa totoo lang, ang liham na ito ay para paalalahanan ka, higit pa sa estado mo ngayon, na madaming madaming madaming nagmamahal sayo at hindi ka karapat dapat sa pagmamahal na ito.
hindi ko sinasabi na magpatiwakal ka na dahil wala kang silbi pero nais kong ipamukha sayo na kahit gaano ka pa din kapangit eh hindi ito hadlang para mahalin ka nila. kaya dapat lamang na magpasalamat ka at tumanaw ng utang na loob.
at sa lahat lahat ng kapaguran, kahaggaran, kawindangan, kabangagan, kalokohan at kasayahan ito lang ang masasabi ko parasa iyo at para narin sa akin,
praise God!
-bianca
p.s. gumamit ka kasi ng lotion nang medyo gumanda-ganda naman ang iyong kamay.
*pasintabi kay RL at CP

Friday, December 5, 2008
"ang di marunong lumingon sa pinanggalingan..."
may mga chuvafied salawikain na nakadikit sa sa dingding ng sinag opis.
kaya naalala ko yung sikat na 'ang di lumingon...chuva'.
sa sobrang daming bersyon na narinig ko,di ko na tuloy alam kung ano ang tama.
minsan tuloy,gusto ko na lang isipin na baka nga ''may stiff-neck'' ang kasunod na linya. o yun ba yung ''kung matinik malalim''? hindi ko na alam. basta alam ko may kaparusahan ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan. o di kaya'y may pabuya kapag nalingon.
kaya tuloy mahilig ako mag-alala. kaya siguro halos lahat ng sinusulat ko ay pulos tungkol sa aking kabataan. kaya din marahil palagi kong binabalikan ang nakaraan kasi alam kong may kaakibat na katumbas ang makalimot.
kaya marahil kahit kinalimutan ko na, bumabalik pa din.
alam mo yung feeling na akala mo binaon mo na kasama ng magic lampin mo ang isang alaala sa kung saan/sino/ano man? tapos bigla bigla na lang itong babangon mula sa kanyang libingan upang multuhin at guluhin ang buhay mo ngayon,bukas at magpakailnaman?
minsan, hindi mo na kailangan pa lumingon, kasi minsan sila na mismo ang humahabol; nangpipikon, nangaasar at nagpapahabol pa kung minsan.
at sa pagkakataong ito,kahit gaano ako napipikon sa mga sirkumstansya, laking salamat ko pa din. buti nga at naalala ko pa, nang sa gayon "makararating ako sa aking paroroonan".
ayun mukhang nakuha ko na ang tama kasunod.

Tuesday, December 2, 2008
poot-poot
naalala ko noong bata ako, naglalaro kaming magpipinsan sa computer chair sa opis ng tita ko. ginagawa namin silang kotse kasi may gulong yun. at habang iniikot namin ang buong pers plor ng opis ni tita, palakasan kami ng poot-poot.
poot-poot kasi ang tunog para sa amin ng busina.
narealays ko lang, minsan kelangan ko pala muna bumusina kasi baka makasagasa ako. lalo pa at malabo ang mga mata ko.
hirap pala maging motor-mouth.
pero kahit papaano, natuto naman ako.

Sunday, November 30, 2008
si claro reklamo
si claro reklamo ang bida sa isang kwentong hindi ko pa natatapos. sumubok kasi ako dati gumawa ng children's story bilang na-hook ako dito, pero ni isa sa mga sinimulan ko ay walang natapos.
paborito ko ang kwento ni claro. isa kasi siyang batang semi-kal na lahat na lang ng bagay ay rinereklamo niya. hanggang sa nagpakalbo siya (pwede namang magpakalbo pa ang batang semi-kal diba?) at hindi na tumubo pa muli ang buhok niya. skin-head na lang kumbaga. at bilang bata pa siya, hindi niya matanggap na KKK (kalbo kinis kintab, napulot mula sa jologs kong mga kapatid, T_T) na siya. at hindi ko na alam kung ano mangyayari matapos niyan.
noong una, kakausapin dapat siya ni muning (kanilang pusa) na wag na kaikanman magreklamo, tapos magbabago na siya at doon matatapos ang kwento. pero parang ang jologs. kulang pa sa aksyon.
kaya noong naglaon naisip kong patunguhin siya sa miminglandia na tirahan nila muning at doon niya matututunan na wag na umangal. kaso di ko pa lubos maisip ang itsura ng miminglandia at mga pangalan ng iba pang miming sa tagpo. kaya hindi ko na natuloy. at isa pa, baduy kung gawin kong ganun.
hanggang sa hindi ko na talaga natuloy pa ang kwento ni claro. reklamador pa din siya.
ngayong linggo ko na lag ulit naalala si claro. noong first year ko pa kasi siya sinimulan. at dahil hindi ko na siya natuloy, nabaon ko na siya, sabihin na lang natin, sa limot.
pero ang isang karakter gaya ni claro ay mahirap kalimutan. paano kasi ako man ay parang si claro, reklamadora din ako.
madaming panahon sa buhay ko na pakiramdam ko walang nangyayaring tama sa buhay ko. at kung may mangyari man na ayon sa gusto ko, parati pa din akong may nakikitang mali. parang ang hirap kong makuntento.
at sa mga panahong hindi ako kuntento sa kung anong meron ako, reklamo na lang ang solusyon ko. kaya wala akong ginawa kundi umangal. kaya walang nangyayari sa buhay ko.
at ngayon ngayon ko lang naisip na wala akong mapapala sa kakareklamo.
pero ang galing lang. tila ba umaayon ang mundo sa gusto ko. kaninang umaga, naisip ko lang, parang wala na nga akong irereklamo pa.
maayos ang pamilya, masaya ang mga kaibigan ko, maayos ang acads ko, at madami pang ibang mabuting bagay na nangyayari sa buhay ko, ano nga bang iaangal ko pa?
simula noong tumigil akong magreklamo, nawalan nga ako ng irereklamo.
sa huli, wala na talaga akong hihilingan pa.

Wednesday, November 26, 2008
pild trip
pild trip ni jevan kahapon. di ko man nakita, pero alam ko kung gaano siya nasasabik sa araw na ito. matagal-tagal na niyang pinaplano kung ano ang mga babaunin niya. makailang beses niyang sinabi sa nanay namin na tinapay daw ang gusto niyang baunin kaya tandang tanda ko ito.
pero sa totoo lang, alam kong mas sabik dito ang nanay ko. paano kasi ay unang beses pa lang niyang masasamahan ang anak niya sa pild trip bilang may trabaho siya noong kabataan naming apat na nauna niyang anak. na minsan pa nga, siya na mismo nagtatanong kay jevan kung anong babaunin nilang dalawa.
hindi ko man nakita, pero alam kong hindi sila makatulog sa sobrang eksaytment.
alam mo yung feeling na di ka makatulog kasi sabik na sabik ka lang talagang magbukas? yung iniimagine mo na kung ano yung mga mangyayari, yung pinaplano mo na yung susuotin mo, yung pinapraktis mo na yung sasabihin mo sa mga tao.
noong nasa siena pa ako, di ako makatulog bago mag-pild trip. iniisip ko na kasi ang mga maaring mangyari. kung magiging masaya ba o, kapag minsang madrama ang utak ko, madidisgrasya ba kami at ma-t-tv. lahat iniisip ko na kasi masaya at inaasahan ko na magkatotoo lahat ng naisip ko.
pero higit sa lahat, hindi ako makatulog kasi alam kong masaya bukas. at sa loob loob ko, hinihiling ko na sana bukas na lang sa oras na ngayon.
hindi ko na nakita si jevan bago siya makasakay ng bus. hindi ko na rin nakita kung ano ang porma ng nanay ko ngayong pers taym niyang sasama sa anak sa pild trip. at hindi ko din natikman ang pasalubong na maaring dala nila galing kung saan man. pero ako, hindi pa din ako makatulog kasi nasasabik na kong makita sila muli.
kaya marahil hindi pa ko makatulog.
ang galing lang. kanina kasi hinihiling ko na sana bukas na at nasusuka na kong makakita ng monitor ng kompyuter. tapos ngayon, kinabukasan na nga! makakauwi na din ako! yehey!

Sunday, November 23, 2008
what is love? at iba pang tanong sa otograp book
uso noong greydskul ang magpa-'autograph' sa clasrum. (noong grade5 ko na lang nalaman na slum book pala ang tawag dun) darating si ganito na may dalang notebook na makulay na mukhang pinagpasa-pasahan na ng kung sino-sino. at sa pag buklat mo (isa sa mga) ay bubulaga sayo ang tanong ng bayan na "what is love?". pero higit pa sa tanong na yaon, tinanatanong din dito ang iba pang mga vital information gaya ng name, age, gender, favorite food, favorite color, favorite teacher, favorite grade,favorite christmas carol.... yada yada yada
"love is like a clock that tik-taks in my heart" -sarah b.
yan ang paborito kong sagot sa tanong ng bayan. kaya sa bawat exam sa iskul na tinatanong kung ano ang pagibig, mapa-application man o bonus question sa exam, yan at yan ang aking sagot.
matagal kong inisip kung ano ang saysay ng tanong na "what is love" sa identity ng tao. kung vital nga ba ito gaya ng mga nakasaad sa taas. kung madedefine ba nito ang isang tao. kung magro-grow ba sila as thinking beings. kung mairaraos ba nito ang ekonomiya ng pilipinas... kung ganito kung ganyan kung futze.... hay ewan
parang lahat na lang ng bagay tungkol sa love. ika nga ng marami, its all about love. sa bahay may love, pabahay program may love (pagibig program hehehe), cluster nila joy may love, lahat may love! ultimo mcdo may love! fast food na lang may love pa? ano ba naman yan.
pero ganyan talaga. ika nga ni sir marlon, pag may love, may world peace. kaya mas gusto ko na ang may love kesa wala.
kaya siguro crucial ang tanong na "what is love" kaya hindi siya kailanman nawala sa lahat ng otograp at questionaires. kasi lahat ng bagay tungkol sa love. at marahil malandi lang ang utak ko na kapag sinabing love ay boy-girl relationship kaagad ang naiisip ko (kaya tuloy ajit ako sa mundo).
pero hindi pwedeng ajit ako palagi. nakakapangit at nakakdagdag ng kulubot sa mukha. kaya noong isang gabi, sabi ni God sa akin, "no one can love you more than i do"...
at mula noon, napanatag na ko.

Wednesday, November 19, 2008
anak ng pusa!
ngayon, laro ako nang laro ng pet society.
para siyang online tamagochi at pwede ka pang makipaglaro, mang-halik, mang-hug, mang-away atbp sa mga pet ng mga kaibigang may pet society din.
pusa ang hayop ko sa pet society. ang pangalan niya ay charlee bilang sabi ng kaibigan ko na maganda ang pangalang ito... para sa lalaki. kaso babae si charlee! pero hinayaan ko na lang, okay na yun. bagay naman sa kanya.
araw araw ko siyang linalaro, paano kasi kapag hindi ko siya binisita kahit isang araw lang eh, siya naman ang bibisitahin ng langaw dahil mabaho na siya.
naalala ko noon na minsan isang gabi akong di umuwi sa bahay, pagbukas ko ng pet society ay linalangaw na at mukhang matamlay si charlee! kaya mula noon, sumumpa ako na araw araw ko ng bibisitahin si charlee.
at ganun na nga ang nangyari. hindi lumampas ang isang araw na hindi ko siya binisita. at kung meron man, sinisigurado kong ibinibilin ko siya sa aking mga kaibigan na paliguan at pakainin.
wiling wili ako sa laro na hindi lang ako nag natutuwa dito. pati mga kapatid ko ay nawili na rin. si beatrice (pangatlo, 11 y/o) ay gumawa na ng facebook account niya para makapaglaro, ganun din si jolo (pangapat, 10 y/o). heto naman itong si jevan (bunso, 4 y/o) na gusto na din magkafacebook para makapaglaro. pero sabi namin hindi pa pwede kasi bata pa siya. bola pa nga namin na kapag 5 years old na lang at saka.
minsan nakwento ni mama na nakitingin daw sa salamin si jevan at naiinis sa mukha niya. tanong ni mama kung bakit at ang sagot lang ni jeven, "kasi ang panget panget ko, kasi bata pa ko, gusto ko na tumanda". nagtanong ulit si mama kung bakit nagdradrama yung bata. sagot ni jevan, "kasi gusto ko na maglaro ng pet society" at natawa na lang si mama, pati ako nung kinuwento niya sakin.
pero hindi nagtagal nang makahawak si jevan ng pet society.
paguwi ko kanina, bumungad sa akin ang balita na binuksan daw ni jevan ang pet society ko. hindi ako naniwala nung una bilang 4 y/o pa naman si jevan at kampante ako sa siguridad ng facebook account ko.
but no! pagbukas ko ng pet society ko kanina, aba eh iba na ang get-up ni charlee! ayos lang kasi okay naman yung porma. pero pagbukas ko ng chest ni charlee para tingnan ang gamit ng pusa, aba ANAK NG PUSA! ang dami dami dami dami dami daming pagkain!!!
sa pet society may bayad ang pagkain, at mukhang naggrocery si jevan kanina para ke charlee. binilhan ba naman niya ng madaming inumin yung pusa. kaya pala pagbalik ko eh 700 na lang ang pera ni charlee, pero pagalis ko kagabi eh nasa 900 yata yun.
siyempre hindi ko pinalampas ang pagkakataon,nagiipon kasi ako para sa bath tub tapos gagastusin lang ni jevan para sa gatas! hindi pwede!
kaya nagsusumigaw ako kanina sa tapat ng kompyuter hanggang sa naiyak siya. nahabag naman ako kaya sabi ko okay lang. tapos tinanong ko kung bakit niya ginawa iyon. sabi niya, "kasi ayaw ko magutom siya...."
at mula noon, naintindihan ko na..
parang love ni God.
minsan may mga nangyayari na hindi natin gusto. pero sa huli, para pala sa ikabubuti natin.

Sunday, November 16, 2008
BLOG... ang tunog ng kung ano
BLOG ang tunog ng kahit anong mabigat na nakakatama sa isang bagay na matigas. (e.g. tunog ng pusa kapag nahulog sa bubong, tunog ng tsinelas na binato sa tumbang preso, tunog ng diksyonari na binato sa natutulog na istudyante). nakakapanggulat kasi malakas ang tunog kaya nakakapanggising talaga.
BLOG ang kung ano mang nakakapanggising.
kahapon, naglalaro ng bola ang mga kapatid ko. at bwisit na bwisit ako sa malakas na BLOGBLOGBLOG ng bola sa sahig namin. kaya imbes na makapagpahinga (dahil papikit na ang mga mata ko sa pagod) ako ay nauwi na lang sa paglalaro na lang ng kompyuter.
at habang nasa tapat ng kompyuter, napaisip ako, saan nga ba ako hooked ngayon? (paano kasi tapos na ko mahook sa fairy tales, babol gam, jet man, sailormoon atbp) tanong kasi yan noong household namin sa pasig, kahapon lang din. at himala dahil wala akong masagot!
sagot ko, hooked ako sa pagsasalita. pero sa loob loob ko, hindi yun eh. mali yun. kaya buong gabi ko din siyang inisip. hanggang sa paggising ko kaninang tanghali at hanggang ngayon na nagtatype ako sa kompyuter. saan nga ba talaga ako hooked?
at sa wakas! isang malaking BLOG, tinamaan ang matigas kong ulo ng mabigat ng mensahe ni God.
sa ngayon, malabo pa ang lahat. marahil kasi hinhimas ko pa yung ulo ko dahil medyo malakas ang tama sakin ni papa God. oo masakit, malamang malakas eeh, pero ganyan talaga. gaya nga ng sabi nila, masarap ang feling ng pasang pagaling na.
basta ang alam ko, sabi niya "bianca, sakin ka muna ma-hook ha?"
at susubukan kong para sa kanya lang muna ako.

Friday, November 14, 2008
HHWW
dalawa lang naman ayun eh.i kung hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng "HHWW", either bata ka pa masyado at di mo na naabutan ang kasikatan ng paga-akronym ng mga bagay-bagay, o matanda ka naman at iba ang uso noong kabataan mo.
noong bata pa kami, halos lahat may akronym. merong NIPS (not in proper seat), JAPAN (just always pray at night), ITALY (I trust and love you), CANDY (cute and nice dats you), HHWW (holding hands while walking) at madami pa.
sa mga girls noong kabataan ko, sikat ka kapag may ka-HHWW ka na boy. kasi ibig sabihin, maganda ka at may may crush sayo.
sa kasawiang palad, wala akong ka-HHWW noong kasikatan nito. nung tumanda na lang ako at saka. at sa babae pa ha (bilang mahilig kaming mag-HHWWPSSP sa berkada).
malandi na kung malandi, pero gusto ko ang pakiramdam ng may ka-HHWW. masarap yung pakiramdam na alam mong may kasama ka. at dahil hawak ka nila sa kamay, parang hindi na sila kailanman bibitaw. masarap magkaron ng kasama at kadaplisan ng palad.
pero mali ang isipin na hindi na sila kailanman bibitaw. dahil walang bagay na ganun. sisihin mo ang gravity. lahat ay nahihila pababa, palayo at hanggang sa mawala na ng tuluyan. hindi forever ang HHWW.
sa ngayon, wala akong gustong pagabutan ng aking kamay. malamang siguro na praning pa din ako mula sa mga lokong bumitiw na. at, oo na sige na, takot pa ko masaktan. pero higit pa dun, hindi pa ko handa. mamasa-masa pa din kasi ang kamay ko dahil sa pasma. saka na lang pag maganda na ulit ang aking mga kamay.
kaya wala munag HHWW at sabihan ng ITALY at CANDY. dahil ang kamay ko ay para lang muna sa Diyos.

Wednesday, November 5, 2008
mic test
tadtad ng program ang siena noong gradeschool ako (hindi lang yun, hanggang sa pagraduweyt ko pa) at sa lingguhang programa ay laging may chever si kuya chuva sa gilid ng stage. palagi siyang nagsa-sound check at sa tuwing ginagawa niya iyon, hihirit kaming magka-klase na "o mike labas ka na!" o "tess magpakita ka na" wala naman kaming kaklaseng mike, michael meron, at lalong wala kaming kakilalang tess pero gusto lang namin humirit. korni kung korni pero ganyan talaga.
malamang siguro sop ng mga kuya na bago mag-program ay mag "mic-test". para masigurado na sa oras na gagamitin na ang mikropono, eh walang palya, walang mali, swabe kumbaga.
kaya laking salamat ng maraming-maraming taong nakapagtanghal na sa entablado ng siena college sa mga kuyang nagsa-sound check. dahil sa kanila, pulido ang kanilang mga pag-akting.
bihira lamang ako magtanghal sa entablado noon. kaya laking bilib ko sa mga nilalang na kayang tiisin ang madaming matang nakatitig sa bawat galaw nila sa tuwing naandoon sila sa istage.
nakakatakot ang ganoong feeling. yung pakiramdam na lahat ng tao ay sinusundan ang bawat galaw mo parang tuloy wala ka ng pribadong buhay sa oras na iyon.
sa totoo lang, hindi naman nakakatakot ang stage (kaya ano pa ang silbi ng stage fright) dahil hindi naman nangangain ang kahoy, ply wood, bato, tiles o semento. ang nakakatakot ay ang madaming madaming sumusubaybay sa nagtatanghal. sila na nakakakita ng lahat-lahat.
lahat-lahat pati mga pagkakamali. marahil, at hindi lang marahil dahil malamang nga, yun ang pinaka dahilan ng lahat ng kinatatakutan sa pagtapak sa entablado. yung magkamali.
nakakatakot na baka magmali ng nota, baka magkamali ng sasabihin, baka makalimutan ang susunod na linya. maraming pangamba sa maraming pagkakataon.
pero nakakatuwa lang. hindi pa man nagsisimula ang programa eh may mga nagtitiyak na hindi ka magkakamali. kaya nga marahil nag-mi-mic-test sila kuya para masigurado na walang palya ang pagtatanghal. sila na mismo ang sumubok kung ayos na nga ba ang lahat at kung pepwede na sumalang ng entablado ang tagapagtanghal.
hindi pa man nagsisimula ang programa, may nanigurado na na magiging maayos ang lahat.
parang love ni God. hindi pa man nagsisimula ang kung ano man ay sinisigurado na niya ako na magiging maayos ang lahat. at hindi lang maayos, bongga pa kumbaga.
at dahil sa love na ito, hinding hindi na ko malalayo pa sa kanya.
hooked ako kay kristo. :)

Thursday, October 30, 2008
class picture
kumpleto ko ang class pictures ko mula nung sinaunang panahon ko sa greydskul.
walang mintis, kahit punit-punit at may sulat na yung iba, nakasama pa din sila sa album ko. kasi gaya ng madaming tumatanda na, masarap lang talagang balikan ang nakaraan.
masarap kasi nakikita kung ano yung dati. dating hitsura, dating uso, yung dati.
ito ang kwento, kagabi ay nagpa-despedida kami kay krizia kasi umuwi siya ng pilipinas para umalis din pala. kumbaga, nagpaalam lang siya sa amin. pero kahit na ba, ang mahalga ay nagkita-kita kami muli.
ang galing lang. alam mo yung wala ka ng masabi, kahit na gaano kadami ang ginawa niyo kasi sobrang saya lang talaga. kahit mahigit bente-kwatro oras kayong magkakasama eh puro saya lang, puro tawanan lang, na walang pinaka-magandang pangyayari kasi lahat maganda talaga. lahat masarap balikan. lahat masarap alalahanin.
kakauwi ko pa lang galing kina sasa pero ang sarap lang talgang balikan ang mga nangyari. hindi na kelangan ng class picture o kung ano man para alalahanin lahat.
nakaka-hook. na kahit gaano kami katagal hindi nagkita at hindi magkikita, alam namin sa sarili namin na wala kaming palag sa isat-isa. kahit gaano kami kalayo, babalik at babalik din kami sa aming samahan. kasi magka-kaibigan kami, kasi mahal namin ang isa't-isa.
parang love ni God, ang sarap lang balikan talaga.
im hooked.

Tuesday, October 28, 2008
parlor games
birthday ko noong isang araw.
pero dahil lampas na ng 10 ang edad ko ay wala ng party-party. wala na rin sa dugo ko ang maghanda ng spageti at fried chicken. lalo pa ang magpa-parlorgames.
ilang beses ko nang sinabi na pikon ako at ayakong-ayako ang natatalo, kaya minsan, noong bata ako, ay nanghihinayang akong sumali ng parlor games.
paano kung matalo ako? ehdi mapapahiya ako. kaya wag na lang, dyahe eh.
pero minsan, makulit lang talga ang mga game master.
kahit naiyak na nag bata kasi ayaw niya eh pinipilit pa rin silang maglaro. basta ba makumpleto nila ang line up para sa calamansi relay.
naalala ko noon, na ang lakas ng kapit ko kay mami dahil ayako maglaro, wala kasi akong kakilala. ang lalaki pa ng katawan nila, mukha silang goons.
pero noong naglalaro na, parang ayos din naman. masaya din. masaya talaga.
kahit natalo, may consolation prize naman. at least di gaano dyahe.
sa huli, hindi mo lang talaga sila matatanggihan, kasi masaya din naman eh. hindi siya gaya ng inaasahan.
kumbaga, wala ka lang talgang palag.
parang pagmamahal ni God.
kaya nakaka-hook.

Thursday, October 23, 2008
sailormoon
*dahil sabi mo andrew :D*
idol ko si sailormoon.
yung maganda na, magaling pa. versatile talaga.
paborito ko yung damit niya kapag nag-morph na siya. yung maikli niyang palda na blue tapos mukhang pang-sailor na get-up(sailormoon nga eh).
tapos type na type ko din yung boots niyang pink. yung high-er-cut na boots na may moon.
meron din siyang tiara na may moon na nagiging boomerang sa oras ng kagipitan.
at higit sa lahat, at ang pinakapaborito ko, ay yung mahabang-mahabang dilaw niyang buhok na cross-breed ng kay chun-lee at rapunzel.
mahaba talaga ang buhok ni sailormoon. sa gwapo ba naman ni tuxedo mask eh diba?
pero ang galing, kasi iyakin naman si sailormoon, tapos mapurol na nga ang kokote niya, matakaw pa, at kung ikukumapara mo siya kay sailor mars o kay sailor venus eh di hamak na mas maganda sila ng ilang light years.
parang wala namang special sa kanya, ni talent nga wala siya eh, pero bakit sa lahat ng sailor sa palabas eh siya pa ang nagustuhan ni papa tuxedo mask?
di ko din alam at wala akong balak magtanong sa isang cartoon character.
pero sa aking palagay, at sa depensa ni sailormoon matapos ko siyang laiitin, madami siyang qualities na siya lang sa lahat ng sailor stars, planets at heavenly bodies ang meron.
una, malakas ang pananalig niya sa kapangyarihang meron siya.
alam niya na kaya niyang matatalo ang kasamaan kasi meron siyang boomerang tiara!
pero higit pa sa boomerang tiara at sa magic scepter niya na katumbas ng megazord sa power ranger, nanalig siya sa mabuti niyang kalooban at sa mabuti niyang layon at alam niyang sapat na yun para matalo ang pwersa ng kadiliman.
pangalawa, meron siyang pag-asa.
kahit na iyakin siya, alam niya na matapos niyang iyakan saglit ang isang bagay maayos din ang lahat. kahit na bumagsak siya sa exam, alam niyang may susunod pa. kahit na nahihirapan na siya, alam niyang may kinabukasan pa at baka sakali mas maliwanag ang bukas.
at kahit na patalo na ang laban, alam niyang mararaos niya ito at kabutihan pa din ang magpupunyagi. umaasa si sailormoon sa kabutihan.
pero higit sa lahat, mapagmahal si sailormoon.
yung kahit na ilang beses siya binibiro ng mga kaibigan niya, mahal pa din niya sila. yung kahit ilang beses siya napapahamak sa ginagawang niyang pagliligtas sa mundo eh mahal pa din niya ang ginagawa niya at hindi siya kailanman sumuko.
at kahit na hindi pa niya nakikita ang mukha ni tuxedo mask, mahal niya ito kasi alam niyang mahal siya nito.
tagapagtanggol nga siya ng pagibig at katarungan.
at gaya ng pagka-hook ko kay sailormoon, and for some same qualities, hooked din ako kay Kristo.
praise God! :D

Monday, October 20, 2008
fairy tale
naalala ko na minsan akong na-hook sa fairy tales.
at dahil dun, minsan din ay nangarap akong maging prinsesa.
yung maganda na, mabait pa.
higit pa doon, nakukuha ng mga prinsesa ang lahat ng nais nila. at kadalasan mayroon din silang mga fairy god mother. kung hindi man, dwende o mga nagsasalitang kagamitan. kaya masaya ang buhay nila. ah! meron din pala silang gwapong prince charming.
pero gaya ng paglalaro at mga lumang damit, nakalakihan ko ang pangarap na maging prinsesa. ayako na kasi ng gown na pink at takot na ko sa mga engkantong kaibigan nila.
kaya mas ginusto ko maging beauty queen. yung maganda na, matalino pa.
pero hindi pala pwede.
ayon sa merkado ng mundo, hindi ako maganda. at depende pa sa kausap kung matalino ako. kaya parang ang hirap.
kaya tuloy, madaming beses akong kinakain ng insecurities. nilalamon ng kakaisip na hindi ako maganda, hindi ako magaling, hindi ako kahit ano.
pero alam mo yung feeling na kahit gaano mo na tinalikdan ang isang bagay ay babalik at babalik ka lang dito?
matagal-tagal ko ng kinalimutan ang pagkahilig sa fairytales. madami na din akong nakalimutang pangalan.
pero hindi ko maiwasang bumalik sa kanila.
kahit nakalimutan ko na pito ang dwendeng kaibigan ni snow white, kahit na hindi ko pa din alam ang pangalan ng prince charming ni cinderella at ni belle at kahit nakalimutan ko na ang nangyari kay pocahontas pati kay jasmine ang sarap lang nilang balikan.
yung pakiramdam kong prinsesa ako ulit. yung pakiramdam kong kaya kong makipagusap sa hayop kasi mabuti ang kalooban ko. yung makakahanap din ang ako ng prince charming, hindi man ngayon, na gwapo na mabait pa at xempre heredero ng malaking palasyo.
ang sarap lang talagang balikan ang mga bagay na minsan kong kinahiligan.
okay na na hindi ako beauty queen, masaya na akong maging prinsesa.
ang galing lang, dahul dito hoooked ulit ako kay Kristo.
praise God

Monday, October 13, 2008
patintero
kaninang umaga ay nakipag-patintero ako sa mga kotse sa may gasolinahan malapit sa amin.
paano kasi ay wala akong barya pampamasahe at alam kong kakagalitan lang ako ng mga drayber kapag inabot ko ang buo kong pera.
kaya nagpapalit ako s tindahan malapit sa may gate. eh wala din pala silang barya kaya tinuro nila ako sa gasolinahan. kaya yun tuloy at nakipagpatintero ako.
sa totoo lang hindi ganoon kaganda ang simula ng araw ko.
late na nga ako nagising, wala pa akong barya pamasahe. grabe talaga ang umaga ko kanina. pero lahat iyon napawi nang makit ko ang mga kaibigan ko sa iskul.
tapos nakipagpatintero naman ako kakahanap sa payong kong nawala.
hindi pwedeng mawala ang payon ko bialng iyon an lang ang tanging maayos naming payong sa bahay. alam kong makakagalitan ako ng nanay ko kung mawala ko iyon kaya hinanap ko ito ng maigi. pero wala pa din. gayunpaman, laking salamat ko sa mga kaibigang tumulong sa akin sa paghahanap at nangako na reregaluhan nila ako ng payong sa kaarawan ko.
kaya natuloy ang hapon gaya ng inaasahan, nagedit kami ng bidyo, kumain, nagedit, kumain, nagkwentuhan, kumain at nagkwentuhan. basta, ang saya lang ng hapon ko.
hanggang sa nakipagpatintero naman ako, sa pagkakataong ito, kasama ni tish sa hiway sa may trinoma.
adventure kung adventure! hindi namin alam kung saan kami pupunta. paano kasi ay puro fence ang nakapalibot sa buong bangketa. di na talaga namin alam ang gagawin namin noong oras na iyon.
pero Praise God! nahabol pa namin ang mrt. laking saya namin nang makaupo kami sa asul na upuan sa loob ng tren. hay salamat lang talaga.
grabe itong araw na ito. di ko alam kung makakalusot ba o hindi. pero sa huli, pasok pa din pala.
sa lahat lahat ng nangyari, talagang hindi ako makapalag mula sa pagmamahal ng Diyos.
dahil diyan, muli, hooked ako kay Kristo.

Tuesday, October 7, 2008
babol gam
salamat kay tish at muli nakatikim na naman ako ng babol gam.
sa totoo lang ay bawal ako kumain ng babol gam bilang may braces pa ako at malamang sumabit sa ngipin ko yung madikit-dikit na minatamis at di na kailanman matanggal at mabulok na lang sa loob ng bakal sa ngipin ko.
paano kasi ay madakit masyado ang babol gam.
sa parehong paraan na hinihiling ko na ganoon din ako kadikit sa mga kaibigan ko.
kamakailan lang, naisip ko na binayayaan ako ng mabubuting kaibigan. noong isang araw lang ay nagkita kami muli ni khiara, ang pinakamatalik kong kaibigan mula noong kinder pa lang.
ang tagal tagal na kaming di nagkikita bilang magkalayo kami ng paaralan, pero gayunpaman, nang magkita kami, marami mang nagbago, pero di pa din nagbabago ang pagkakaibigan. bading pa din kami.
ang galing lang.
at hindi lang yon. ngayong linggo, hindi ko naranasan mag-isa paano kasi ang daming dumidikit sa aking kaibigan.
sa iskul, laging nandyan ang tropa. paguwi, laging nangugulat ang mga matagal nang di nakikitang kaibigan. at hanggang sa text ay dinadamayan ako ng mga kapatid sa pananalig. hindi ko naramdamang mag-isa ako.
parang hindi ako makalayo sa kanila. parang kahit anong pilit kong mapag-isa ay hindi ko magawa kasi ang lakas ng kapit nila sa akin. at kahit gaano ko man sabihin na abala ako sa ibang bagay ay hindi ko pa din sila matiis kasi, kung malakas angkapit nila sa akin, ganoong din kalakas ang kapit ko sa kanila.
napakadikit gaya ng babol gam.
sa parehong paraan, hindi rin ako makalayo mula sa pagmamahal ng Diyos.
at muli, dahil dito, masasabi kong hooked ako kay Kristo.

Sunday, October 5, 2008
jet man
naalala mo pa ba na minsan, kahit minsan isang beses lang, ay na-hook ka sa panonood ng jet-man?
kung hindi man ay bio-man, five-man, power-rangers, voltron at kung hindi pa din sa mga nabanggit ay, sige na nga, voltes-five.
basta may robot at tight-fit at makukulay na kostyum eh pwede na.
paano kasi ay kanina nakita ko ang poster ng highschool musical 3.
naalala ko tuloy ang kapatid ko na hook-na-hook doon. palagi siyang kumakanta ng mga kanta nila kahit wala naman siya sa tono.
at noong may mapanirang balita tungkol doon sa bidang si vanessa ba yun, eh galit na galit siya at mga ilang araw din siyang nagluksa.
ganoon ka-hooked ang kapatid ko sa highschool musical.
kaya naisip ko, ano nga ba kinahoo-hookan ko ngayon?
dati, hooked ako sa jet-man, sinusubaybayan naming magpipinsan ang bawat episod.
isinasabuhay din anmin ang bawat karakter. ang laki nga ng tampo ko noon kasi lalaki si yellow owl kaya hindi ako jet-man pero sila oo.
naalala ko an tumatalon kami mula sa sopa at sinisigaw nila ng "pink swan!" o "black condor" at iba pa, hanggang sa nasita na kami ng lola namin.
ganoon kami ka-hooked noon.
nagkaroon din ng panahon na hook-na-hook kami sa power rangers.
kaya ako nahilig sa dilaw ay dahil kay yellow ranger.
ang ganda kasi niya lalo pa at asyano siya.
sa pagka-hooked ko ay hanggang ngayon ay isinasabuhay ko ang pagkahilig sa dilaw kaya sa inaraw araw ay naka-dilaw ako gaya ni trini.
hooked ako sa ganoong klase ng palabas dati.
gustong gusto ko yung magpapalit na sila ng kostyum na pare-parehas iba-iba lang ang kulay. paborito ko din yung kapag magbo-volt in na ang kanilang mga kotse/robot/hayop para makagawa na ng mas malaking robot para matalo ang kalaban para manaig ang kabutihan.
nakaka-hook sila kasi pinaglalaban nila ang katarungan at kabutihan.
kaya saan na nga ba ako hooked ngayon?
pangit na ang mga bagong serye ng power rangers.
wala ng jet-man, bio-man, five-man at lalo pa ng voltes-five.
ayako naman ng highschool musical, hannah montana, jonas brothers, atbp.
hindi rin ako fan ni sarah g., jona v., zsazsa p., mega, maria, ate guy, ate vi at kung sino mang star na sikat o laos na.
ano nga ba ang uso sa akin ngayon?
kaya kanina, sa halos isang oras kong naglalakad sa sm taytay habang nagpapatila ng ulan, naisip ko na lang bigla
hooked ako kay Kristo.

Monday, September 29, 2008
ice cream
ngayong linggong ito ay naka-apat akong icecream.
ang saya saya lang.
yung tipong sa sobrang saya wala na kong masasabi pa. masarap na, masaya pa.
kahapon matapos ang hlt, eh pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod ako. marahil kasi kulang pa ako sa tulog magmula noong huwebes at dahil kasi ay nakakapagod nga naman makipagusap sa lahat ng tao noong hlt.
pagod na pagod ako. sobrang pagod. na noong nasa misa kami ay muntik na akong makatulog.
kaya matapos nun misa ay nag-aya akong kumain ng ice cream.
alam mo yung parang pang-komersyal na matapos uminom ng kape eh gising na gising lang yung epek?
ganun na ganun yung nangyari. matapos ang unang subo ko ng icecream eh bumalik ang lahat ng lakas sa katawan ko! parang bato ni darna!
sa sobrang sarap at sobrang saya kumain ng ice cream wala na kong masabi pa.
at dahil di na ko makapagsalita, nakapagpahinga ako.
sa ingles, 'i found rest in a cup of ice cream'.. parang ganun ang drama.
ang galing lang na sa maliit na bagay natin nahahanap ng magpapasaya sa atin. at sila din ang makakapwi ng ating mga pagod.
sa linggong ito, apat na beses akong nanahimik sa sarap at saya.

Friday, September 26, 2008
isang araw na waw
alam mo yung feeling na wala ka ng masabi sa sobrang saya?
speechless kumbaga.
kanina natatahimik ako ng sobra-sobra paano kasi grabe ako minahal ng Diyos ko ngayon.
mula sa masasarap ng pagkain, hanggang sa masasayang tawanan kasama ang mga kaibigan, hanggang sa matagumpay na presentation sa iskul, hanggang sa masasayang tawanan ulit kasama pa din ng mga kaibigan, hanggang sa paguwi sa bahay, hindi ako pinabayaan ng Diyos ko.
wala na talaga akong masasabi pa.
totoo na ito ay isang araw na waw. waw lang talaga.

Saturday, September 20, 2008
bidyoke
wala na kaming ibang ginawa kundi magbidyoke.
mapabirthday man o wala lang talaga, basta may magic sing eh hala ayan at kakanta na.
sa totoo lang ay hindi ako kailanman nasa tono. at bibihira ang mga pagkakataon na papalo ng nobenta ang puntos ko sa magic sing. pero wala akong pakialam. masarap kumanta kahit na nagtatakip na ng tenga ang aking mga tagapakinig.
paborito ko dati yung 'total ecclipse', yung pagbumirit eh papalo ng otsenta yung score. kaso nagsawa ako at napakanakakabulol niya na kasi.
hanggang sa naging 'ironic'. kapag chorus lang papalo ng nobenta ang score pero pag natapos, sebenti lang pala ang makukuha ko. pero gusto ko yung kanta. ang ganda kasi ng liriks na tipong nakaka-lss talaga.
pero ang panalo ay 'top of the world'. yung sasabayan ka ng sambayanan dahil panahon siya ng lahat ng henerasyon. klasik kung klasik. alam ng lahat ang liriks. higit pa diyan, nakaka nobenta'ynuebe yung score ko. winner kung winner.
kung iisipin, ang pagbibidyoke ay hindi nakukuha sa iisang kantahan lang. hindi ka makakaperpek kung walang praktis. paano kasi malandi yung mic at kailangan mong hasain ang lalamunan mo para sumwak ang lakas ng boses mo sa hinihingi ng sensors ng mikropono.
eto ang kwento,
naghahanap ako ng kabuluhan sa mundo. kung ano ba ako at para saan ako.
simple lang pala ang sagot.
bata pa ako at hindi ko pa ngayon malalaman ang kabuluhan ko sa mundong ito. marami pa akong pagdadaanang kung anu-ano at marami pa kong makikilalang kung sino-sino.
sasablay pa muna ako ng maraming beses para matuwid ang maraming bagay tungkol sa akin at sa aking pamilya, kaibigan, pagaaral, pagibig at katarungan.
hindi pa tapos sa akin ang Diyos.
sa huli, sa tinagal-tagal kong kinakanta ang 'ironic' hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang tono ng huli niyang linya. buti na lang pala at meron pa akong ilang libong taon para malaman kung ano ba talaga ang tono nun. basta kakantahin at kakantahin ko lang siya. makukuha ko rin.

Sunday, September 14, 2008
ANG MAHIWAGANG KWAGO: kwentong puyat, lamay at eyebags
dapat ay matutulog ako ng maaga ngayong gabi.
sa totoo lang, hindi eyebags ang ebidensya ng aking paglalamay sa kawalangkwentahan pag gabi. sa halip tinutubuan ako ng sandamakmak na tigyawat sa mukha, likod at sa tenga. kaya sabi ni mama matulog na ako ng maaga.
pero hindi ko kaya.
naglalamay kasi ako sa harap ng kompyuter at nanunood ng detective conan.minsan naman kausap ang ilagn kaibigan sa ym. pero mas madalas na naunuod lang ng detective conan.
hindi ko maiwasan ang magpuyat sa gabi para dito. paano kasi ito na ang aking 'sweet escape' mula sa lahat ng kawindangan ng mundo.
at laking salamat ko para dito.
kaninanina lang, kaya marahil ako ay puyat ngayon, ay binasa ko ang mga kumento ng mga tao mula sa pinost kong blog. maluhaluha ako. ang tanga ko para hindi makita kung gaano karami ang taong nagmamahal sa akin.
ang galing lang talaga.
siguro ngayon kailangan ko lang panindigan ang pagiging mahiwagang kwago ko. liban sa pagpapatuloy ko ang pagpupuyat (paano kasi ay kaakibat ito ng karir ko) ay kailangan kasing laki rin ng kwago ang mga mata ko. para makit ko kung gaano ako nabiyayaan ng mga taong nagmamahal sa akin.
sa huli, nakakakita sa dilim ang kwago. marahil kailangan din ako makakita muli kahit wala akong makita. 'relearn' ika nga nila.

Saturday, September 13, 2008
PAGIBIG AT LARO: kwentong basted kahit di naman nanligaw at natalo kahit di naman naglaro
ngayon alam ko na ang feeling ng basted...
yung parang ang panget mo lang talaga kasi hindi ka nga sinagot. yung mapapaisip ka nga ba kung ano ang meron ang iba na wala sayo. basta, nakakapikon.
di naman ako nanligaw (malamang kasi babae ako kaya hindi) pero ngayon naramdaman ko kung gaano kasakit matalo sa laro ng pagibig.
sa totoo lang ang labo talaga.
ngayon ko lang narealays ang kahalagahan ng kilig sa katawan. na minsan, liban sa nagdadala ito ng lubos na kaligayahan, nagpapaganda din pala ito ng aura. kaya pala parang ang ganda ng dating ng mga taong in love.
kaya siguro ang pangit ko ngayon.
tinitigyawat at dry ang buhok. loveless nga ako marahil.
matapos ang naudlot kong relasyon, hindi na ako tumapak muli sa arena ng pagibig.
kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. hindi naman ako in-love eh basted ang pakiramdam ko. hindi naman ako naglaro, napipikon naman ako.
hay bianca
you complicate things...
wag mo na lang kaya ito tapusin para wag mo ng maisip...

Sunday, September 7, 2008
ANG TAWAG NI MOTHER NATURE: kwentong banyo, dighay at mabahong t-shirt
simulan natin sa dulo ng pamagat.
alam mo yung feeling na mukha kang mabaho? yung pakiramdam mong walang tumatabi sayo kasi amoy pawis ka na at mukha kang may jabar. kadiri pero totoo.
meron akong ilang tshirt na kapag iyon ang suot ko ay mukha lang akong mabaho. parang kanina.
kanina kasi ay nakajumper ako. wala na akong ibang mapares sa jumper kaya sinuot ko iyong manipis kong dilaw na tshirt. mukha naman akong mabango noong una pero nang sinimulan kong lumakad sa ilalim ng araw, aba eh pakiramdam kong ambaho ko na.
hindi naman ako umaalingasaw. hindi pa naman ako sinusundan ng kumpol ng mga langaw gaya ng sa tv. ang init lang siguro talaga ng pakiramdam ko kaya ganoon. kaya ko din siguro nasusungitan ang maraming tao.
kaya maghapon mainit ang ulo ko. at dahil mainit ang ulo ko, malungkot ako.
kanina nagkaroon ako ng 'slight depression'. nagsimula na naman ang kinatatakutan kong kalungkutan. di ako mapakali kakaisip kung ano ba ang nagpapalungkot sa akin gayong wala naman akong dapat kalungkutan. sabi nga ni ate telle at paolo, tumigil muna ako sa pagiisip, sa kakaisip ko daw kaya ako nalulungkot.
pero higit pa sa malungkot ako ay dighay ako ng dighay ngayong hapon. pagkagising ko kasi kaninang hapon mula sa aking siyesta ay nabigla ang aking tiyan sa paginom ko ng tubig.
kaya habang dinadramahan ko na naman si part ay, sa loob loob ko, natatawa ako kasi dighay ako ng dighay.
higit pa sa dighay ay tinawag din ako ni mother. nakakatawa pero iyon lang pala ang magpapawala sa init ng ulo ko.
kasabay ng pagkawala ng init ng ulo ko ay nawala din ang kalungkutan ko.
masaya na ako muli.
napaka refreshing ng experience
sa huli, tama nga si kuya dy, 'refresh' ang tema ko ngayong linggo. hindi lang dapat masaya, dapat maging mas masaya.

Tuesday, September 2, 2008
marco polo freeze!!!
sawa na ko sa tagotaguan. marco polo freeze naman.
hanapan pa din ang layon ng laro. kaso, sa halip na nagtatago sa sulok-sulok ang mga kalahok ay hihinto na lang sila sa kung saan man sila nakatayo pagka sabi ng taya ng 'marco polo freeze'. hindi lang ganun kadali yun dahil nakapiring ang taya kaya mahirap pa din maghanapan. para mas madalian ang taya, kapag sumigaw siya ng 'marco' kelangan sumagot yung iba ng 'polo' at base sa maririnig ng taya ay dun niya hahanapin sila. ito ay version namin nung bata pa ako.
sa totoo lang may isang bagay na nagudyok sa akin na sulatin ang seleksyong ito...
Finding Love Beyond all Reason
yung hindi mo naman nakikita pero alam mong nandyan.
yung kahit ilang beses ka pa pakagalitan ng magulang mo eh alam mo na mahal ka pa din nila.
yung kahit lagi ka nalang inaasar ng mga kaibigan mo eh alam mong mahal ka nila. tough love kumbaga.
yung kahit gaano ka pa pinagkaitan sa maraming bagay eh alam mong mahal ka naman kung hindi man ng tao eh di, ni papa God.
yung alam mo lang basta na mahal ka kahit wala namang chocolates, roses and love letters.
ngayon alam ko na kahit gaano pa kasalimuot ng buhay ko, gaano man kadrama ang kwento ko, gaano man kahirap mabuhay sa panahon ngayon, gaano man kamahal ng pamasahe papuntang katipunan at kahit gaano pa kabagal ng computer ko magload ng detective conan episodes alam ko, sa loob loob ko, na kahit dapat malungkot sa saklap ng buhay eh mas dapat maging masaya dahil kahit papano may mga nagmamahal pa sa akin.
nakakita ako kahit wala akong makita.
sa huli, kahit pa nakapiring ang taya sa marco polo freeze ay nahahanap pa din niya ang kanyang mga kalaro. hindi man niya makita, alam pa din niyang nandyan lang sila. ngahihintay mataya.

Friday, August 29, 2008
BIRHTDAY BLOGS: ang katapusan
kung kaibigan kita, babasahin mo ito...
mula sa tiramisu, crayola at nissin chocolate wafer (tska kung anu ano pang kabitteran ko), hinahandog ko sa inyo ang marahil katapusan ng mga ito.
suko na ko sa pagiging bitter. nakakasawa din pala magmukmok sa sulok at humiling na sana nawa lamunin na ako ng lupa. hindi pala sa akin bagay mag-emo, wala kasi akong bangs.
pero higit pa sa wala akong bangs, hindi na din pala nakakatuwa ang kabitteran ko.
nalaman ko na kapag nagbibitter pala ako ay tatlong bagay ang nagagawa ko,
una- injustice sa mga taong nakakaappreciate sa akin
pangalawa- injustice sa mga kaibigang nagaalala sa akin
pangatlo- injustice sa Diyos ko na walang ibang ginawa kundi mahalin ako.
sa madaling salita, kriminal ako.
sa dinamidami ba namang injustice na ginawa ko sa mga taong nasa paligid ko edi syempre pwede ko nang isakdal at ipakulong ang sarili ko.
masama pala akong nilalang at ngayon ko lang nalaman yon.
pero hindi pa huli ang lahat.
matapang pa akong tumawid ng kalsada kasi alam kong hindi pa ako madadali dahil kailangan ko pang bumawi sa lahat ng taong ginawan ko ng masama.
kaya kung kaibigan kita at nabasa mo ito, sinasabi ko sa iyo ngayon palang, maraming maraming salamat at sorry kasi ang bulag ko para hindi makita na nanjan ka lang palagi. sorry kasi minsan nahahawaan kita ng kalungkutan ko. sorry kasi hindi nasasaktan pala kita sa tuwing ajit ako.
ngayon narealays ko na ang daming nagmamahal sa akin. yung pamilya ko, kamag anak ko, berkada ko, households ko, fa friends, yfl, yfc, mga anak ko at sa lahat lahat na nasa fonebook ko ang pangalan at numero.
higit sa lahat maraming maraming salamat at kaibigan kita.
at sana dito na nga natatapos, at hindi na kailanman babalik. ang birthday blogs.

Monday, August 25, 2008
nissin chocolate wafer
katatapon ko lang nung wrapper ng kinain kong wafer.
masakit kasi ang puson ko kaya napgdesisyonan ko na kumain ng tsokolate para humupa ang sakit. epektib naman. medyo nawala ang kirot.
hanggang ngayon nalalasahan ko pa ang matamis tamis pero mapait pait na lasa ng wafer.
kanina nabasa ko na naurong na pala ung araw ng praise concert.
dati kasi october 26 daw ito. siyempre natuwa naman ako kasi birthday ko yun kaya inimagine ko na kung ano yung mga mangyayari.
nakaplano na kung ano yung susuotin ko,bumili ako na bagong tshrit na maaring suotin ko sa araw na yun. nakaplano na din kung ano yung sasabihin ko sa mga babati sakin. prinaktis ko pa nga ng makailang beses sa harap ng salamin.
pero hindi na ito mangyayari.
wala na kasing special na mangyayari sa birthday ko.
walang metro con (paano kasi ay wala ako doon)
walang praise concert..
hindi special.
nalungkot ako siyempre.
pero sino ba naman ako para mangarap ng pagkatayog-tayog. nakakalula pala mangarap ng mataas. totoo pala na masakit bumagsak mula sa mataas.
siguro ngayon, natatakot ako na baka wala lalong bumati sakin sa birthday ko. paano kasi ay iba sa mga kaibigan ko ay masayang nanduduon sa metroconat makakalimutan na naman ako gaya ng dati, at karamihan naman sa mga bago kong kaibigan ay maaring hind ako batiin dahil hindi na kami magkikita sa birthday ko. wala na kasing okasyon nun.
mahirap pala magbirthday pag sembreak.
pero ayos lang. sa likod ng malungkot na alalahanin na marahil makalimutan na naman ng madla ang birthday ko, alam ko na marami pa ding nagmamahal sakin. kahit papano, blessed pa din ako.
sa huli, mapait pait man ang lasa ng nissin chocolate wafer, hindi mo ikakailang masarap pa din talaga siya.
oo mapait, masarap naman.

Wednesday, August 20, 2008
islouput
islouput ang tawag ng nanay ko kapag nagbabagal ako. yung tipong alas nuebe yung misa eh alas otso y media palang ako maliligo, at mahigit isang oras ako kung maligo. kaya tuloy kapag dumating kami sa simbahan, offertory na ang aming naabutan.
sabi ni papa, 'slow-foot' daw pala yun. binaybay lang sa tagalog. pwede ding 'slow-poke' pero di ko pa alam kung pano naging 't' yung 'k'. pero ganun na nga iyon.
kung tuwing linggo eh ganoon na nga ang drama sa bahay. sa inaraw araw ko din bilang isang nilalang sa mundong ito ay islouput ako.
kapag pe o kaya uwian eh lagi akong huli sa habulan.
laging nahuhuli.
napagiiwanan.
at kapag nagtagal, nabubura sa alaala.
hindi ko na silang kayang habulin. ni dulo ng kanilang buhok eh di ko na maabot. mabagal ako, nagmamadali naman sila. mukhang di na kami magtatagpo.
pero ang lahat ay nadadaan sa practice.
kung aaraw-arawin ko ang pagtakbo ay bibilis din ako. kailangan kong mahasa ang aking mga binti para tumulin ang aking pagtakbo.
kaya ko yon. madali ang magpractice. gagawin mo lang ang isang bagay ng palit-ulit hanggang sa makabisa mo na. ma-master ika nga nila.
pero hindi muna ako magprapractice.
kulang pa ko sa pahinga.
ayoko munang magmadali. natutuwa pa ko sa bilis na meron ako.
kaya hindi muna ako magprapractice. hindi ngayon.
basta ang alam ko, hindi ko man sila maabutan, sisiguraduhin ko na kapag lumingon sila, nandun pa din ako.
mabagal, pero sinisikap humabol.

Wednesday, August 13, 2008
tago-taguan (the taya edition)
dahil buwan ng wika ngayon kaya tagalog ulit
madalas akong taya sa tago-taguan at madalas akong naghahanap...
sa totoo lang hindi makatha ang pakiramdam ko ngayon.
walang kadramahan ang dumaloy sa aking kokote at wala lang talaga akong maisip.
hanggang sa umuwi ako at nagpersonality test na naman.
nawiwili ako sa mga personality tests. yung matapos mong sagutin yung iilang tanong nila ay sasabihin na nila kung anong fruit, icecream, cake, dessert, pie, cookie, bubblegum, candy, at kung anoano pang masarap sa mundo. madami pang ibang personality test at wiling wili ako sa pagsagot.
nalaman ko kanina na isa pala akong spontaneous idealist. masaya, madaldal, magulo, madrama, maingay, maarte, patawa, may buhay. kumabaga sa kulay, napaka-dilaw ko daw.
basta masaya.
naniwala naman ako. para kasing totoo. tsaka sa lahat ng test na kinuha ko, halos magkakapareho lahat. masaya daw ako. napakasaya.
pero parang hindi ako kuntento sa mga nababasa ko. hindi ako payag na masaya lang ako. hindi ako payag na tiramisu lang ang personality ko. hindi ako payag na isa akong banana.
kaya test pa din ako ng test. nalaman ko na na mint chocochip icecream ako, pati choco chip cookie, apple pie din daw, chocolate shake, milk chocolate, hot fudge sundae, ice cream cake...
at halos iisa lang an sinasabi nila.
pero subok pa din ako ng subok. baka kako mabago ang pagkatao ko.
pero hindi.
sa huli, mahirap maging taya sa tago-taguan. hanap ka ng hanap, minsan matagal pero mahahanap mo din. minsan nasa harap mo na pero maghahanap ka pa ng iba.
alam kong nahanap ko na ang sarili ko.
may iba lang akong hinahanap.

Friday, August 8, 2008
bola
bilang may tema ang karamihan ng blogs ko ay kailangan laro din ang pamagat nito. bola yung kahit ano na pwede ipambato sa kahit ano. dinidribble, sinasalo, shino-shoot. basta bilog at matalbog. pero hindi tungkol sa bola ang kwento ko. pero pwede din, kasi fish balls naman ang ugat ng kwento ko. ball pa din. ngayon ko lang ulit na-enjoy ang fishballs. kanina nakatikim ako ng shrimp balls, yung sa unang tingin ay mukhang kwekwek. pero lasang chicken balls tapos kumain din ako ng chicken balls pati fishballs tapos kwekwek na din dahil kulang yung chicken balls at fish balls at sa huli nag bopis pa ko sa may sta. lucia kasabay ng mga manong. ngayon lang ako ulit nakapag bopis matapos ang isang buwan. ang galing lang kasi simple joy talaga siya. yung feeling na sa palibot mo ay tila impyerno na pero nakatayo ka lang sa tapat ng bopisan at sa bawat kagat ng baga ng kung ano mang hayop yun eh tila nalalasap mo na ang langit. simple joy. grabe pero kahit gaano kasarap ang bopis sa tapat ng sta. lucia, ano naman ang sinabi nun sa saklap ng buhay ng mga bata na sa murang edad eh nagtratrabaho na? matapos namin kumain ni mj ng bopis, nakakita kami ng batang hirap na hirap sa kanyang dalang karton. sabi ni mj tulungan daw namin siya. kaya tinulungan namin. ambigat pala nung dala ng bata. hinatid namin siya sa kung saan ba niya dadalhin yung kumpol ng karton. malamanlaman lang namin na sa kariton sila nakatira at pamamalimos ang kanilang kabuhayan. naawa naman ako at doon ko narealays na maswerte pa pala ang pamilya ko. kahit gaano pa kami naghihikahos sa buhay. habang nasa biyahe, may sumabit na bata sa dyip na sinasakyan namin ni mj. ang payat niya at mukha siyang naglalako ng mani. nakakaawang tingnan lalo pa at kakakita ko pa lang doon sa pamilyang nakatira sa kariton. pagkaupo ng bata siniko ako ni mj at tinuro na yung bata pala ay sumisinghot ng rugby. tinanong ako ni mj kung pagsasabihan ba niya yung bata na tigilan yun. pero sabi ko yan lang yung kanyang hapunan. pero sa totoo lang, di ko alam yung gagawin ko. gusto ko man sabihan yung bata na tigilan niya ang pagsinghot alam ko naman na hihithit at hihithit pa din siya kasi yun na nga lang ang makakapagpabusog sa kanya. wala din naman kasi akong dalang pagkain kanina, ayaw ko din naman siya bigyan ng pera kasi baka sa iba pa niya magamit ang baryang ibibigay ko sa kanya. nakalulungkot kasi wala akong nagawa para sa bata. nalungkot ako kasi may naitulong ako sa batang may dala ng karton at wala naman akong nagawa para sa batang nagru-rugby. kanina, para akong tinamaan ng malupit ng bola. nayanig yung utak ko. sa totoo lang takot ako sa bola kaya noon kapag nagp-pe kami ay iniiwasan ko ito. pero kahit gaano ko pa iwasan ang bola, matatamaan at matatamaan pa din ako. parang kanina, kahit gaano pa ako magbulag-bulagan sa mga pangangailangan ng kapwa ko eh magkaroon pa din ng pagkakataon na hindi ko na maiiwasan ng makita ang katotohanan at gumawa ng paraan para masagip sila kahit sa simpleng paraan lang.
naisip ko lang, buti na lang pala nag bopis kami.

Tuesday, August 5, 2008
Tiramisu
sabi doon sa blogthting na sinubukan ko, isa daw akong tiramisu. tunog masarap naman kaya natuwa ako. yun pa nga yung nasa ad ng MY san grahams diba? pero malaman-laman ko lang na bitter pala ang tiramisu. proud pa ko eh noh, bitter naman pala. kaya naisip ko, baka nga sigro bitter ako sa maraming bagay kasi tiramisu ako. bitter naman talaga ako at aminado ako doon. pero ito, para sa akin, ang marahil ugat ng aking kabitteran sa mundo: HINDI AKO BINATI NG KARAMIHAN SA AKING MGA KAIBIGAN NOONG 18TH BIRTHDAY KO. siyempre, tumatak sa isip ko na 18 yun kaya special yun dapat. pero wala. akala ko, special ako, akala ko sapat na nafri-nend ko sila para batiin nila ako nung birthday ko. akala ko close na kami. mali pla ako. masasabi ko na doon nag-ugat ang "feeling of insignificance" ko. at doon din marahil nag-ugat ang takot kong makipag-kaibigan. baka kasi di nila ako batiin pag birthday ko. ngayon, liban sa takot akong makipag-kaibigan, takot na akong mag-birthday. baka kasi umasa ako na may babati sa akin, tapos biglang wala naman pala. ayoko lang masaktan ulit. sa totoo lang, hindi kasi ako makatulog kakaisip kng baki nga ba ako bitter sa maraming bagay. kaya dito ko na lang binuhos ang kadramahan ko. pero pinagdarasal ko din naman na malagpasan ko na ang takot. kahit yung takot lang. sa huli sabihin man nila na para akong tiramisu, bitter nga masarap naman.
Friday, August 1, 2008
crayola
sabi nila, crayola na lang daw kapag malungkot.
crayola kasi ang malanding term para sa 'cry' (cry-ola)
natawa na lang ako nang malaman ko ito, ngayon-ngayon lang. paano kasi napakamemorable ng crayola para sa akin.
crayola ang sikat na crayon noong gradeschool ako. yun lang ata ang brand na ginagamit namin sa classroom. mayaman ka kapag 24 crayons o higit pa ang laman ng box mo, pobre naman kapag 8 lang.
madalas na 16 yung crayola ko. masaya na ko sa 16. basta ba may yellow, okay na, masaya na.
pero, bihira kong gamitin yung yellow kong crayola.
ayokong napupudpod ang dilaw kong crayola.
kaya tinatago ko siya kapag may humihiram ng crayola ko. kaya imbes na 16, 15 na lang.
eh primary color pa man din ang yellow. kaya kapag walang yellow, walang color ang sun, stars, moon, rubber ducky, sunflower crackers at iba pa. walang buhay.
kaya walang nanghihiram ng crayola ko.
higit pa doon, sa katatago ko, nawawala yung crayola kong yellow. kaya mas malngkot
eto ang kwento,
noong byernes, gusto ko na mag'crayola'-ever. ewan, parang ginusto ko lang. pero dahil nasa mcdo kami kanina, tinago ko na lang.
kaya nawala na yung feeling na iiyak ako.
parang nalipasan ng gutom. ganun.
kaya malungkot ako. kulang kasi yung feeling.
pero kahit kulang yung crayola sa loob ng box, pwede ka pa namang bumili ng bago diba?
at least pag bago, kumpleto na, amoy national bookstore pa.
sa totoo lang, hindi ko pa nasosolusyonan kung ano na ba dapat ang mararamdaman ko. sa ngayon, magulo pa ang lahat.
hindi na kasi uso ang crayola.

Monday, July 28, 2008
ugly duckling
madaming beses na akong umasa na isa akong ugly duckling
dahil nga sa pangit akong nilalang nuong bata ako, umaasa at nangangarap ako na sa paglaki ko ay pang miss universe na ang ganda ko.
pero di nangyari yun
nag dise-otso ako na mukha pa ding uhuging ewan. kung tutuusin, mas pangit pa kaysa dati. tigyawatin, maitim, payat, baluktot ang katawan, dry ang buhok at marami pang iba.
maraming beses ko nang sinubukang magpaganda.
nasubukan ko na ang magpaderma
magwhitening soap
magdiet
magexcercise
magpahair-spa
magdasal na sana gumanda na ako bukas
at magboyfriend bilang pampa-lubag loob sa aking kapangitan.
pero walang nangyari, bampangit ko pa din.
siguro umaasa ako na matapos ko magpaderma ay kikinis ang balat ko gaya ng kay carmina.
siguro umaasa din ako na matapos magpa-hair spa ay pang commercial na ang buhok ko.
pero hindi lahat ng bagay ay instant.
sa tunay na buhay hindi uso ang magical transformations. hindi ka gaganda dahil sa halik ni prince charming o sa potion ni fairy god mother.
liban na lang kung ke tita vicky ka na pumunta.
pero hindi iyon ang punto, walang prince charming at fairy god mother ngayon, kaya walang magic. kung matutulog kang panget gigising kang panget. ganon.
pero kung tutuusin, wala naman prince charming sa ugly duckling, lalong wala ding fairy god mother. pero sa huli, gumanda ung maliit na bibe.
ang sabi ko lang naman eh sa kagandahan, walang instant-instant. si ugly duckling naghintay ng ilang taon bago maging magandang swan. at higit sa lahat, naniwala siya na darating din ang araw na malalalaman niya na ampon pala siya at makakapangasawa siya ng gwapong haciendero na balbon ang dibdib.
hindi pala, ibang kwento na yun.
pero sa huli, panget man si ugly duckling nuong duckling pa siya, ang mahalaga, lumaki siya sa kung ano siya dapat.
panapanahon lang yan.
gaganda din ako.

Wednesday, July 23, 2008
KSP
ang laki kong papansin.
mula noon hanggang ngayon.
kapag dati, di ako pinansin ay daramdamin ko ng todo-todo.
ngayon, kapag nakalimutan ako ay mas daramdamin ko lalo.
ang INSIGNIFICANT ng feeling.
yung kapag tumitingin ka sa pictures sa multiply at kahit gaano mo katagal hanapin ang mukha mo sa kung saan-saang sulok ay WALA ka naman pala.
yung kapag nagpla-plano ng gagawin para sa groupwprk/prodwork at tanging pangalan mo lang ang NAKALIMUTAN kaya wala ka tuloy gagawin.
yung kapag sa gathering, meeting, party, absent ka man o present, ay DI KA HINAHANAP ng mga tao at tila baga hangin ka lang na nadaan.
yung kapag online ka naman buong gabi pero WALANG KUMAKAUSAP sayo kahit gaano kaganda o kadrama nung stat message mo.
yung kapag WALANG NANGAGAMUSTA sa text, sa ym, sa multiply, sa friendster, sa e-mail, sa liham, sa post card, sa musical birthday cards atbp kahit na gaano ka pa kalungkot at gusto mo ng may kakausap sayo, dadamay, at sasabihan ka kung gaano ka na kaganda ngayong may bangs ka na.
minsan na nangyari sa akin ang lahat ng nasa taas kaya INSIGNIFICANT ako.
eto ang malabo dyan.
yung gusto mo magdrama kasi nga INSIGNIFICANT ka pero alam mo hindi lang talaga bagay sayo ang magdrama.
kaya MAGPAPAPANSIN ka na lang. para medyo magkasilbi ka naman sa mundo.
pero kere lang.
kasi kahit na gaano ka-INSIGNIFICANT nung feeling, kahit gaano ka-LONER yung dating, kahit gaano ka-DEPRESSING yung lahat-lahat, alam mo na sa likod ng pang-iisnab, pang-tataas ng kilay at pang-aapi physically, verbally, visualy, emotionally, grammatically, diagonally... alam mo na sa likod ng lahat ng iyon karamay mo naman si KRISTO.

Tuesday, July 22, 2008
pikon talo
bata pa lang ako pikon na ko.
kaya siguro hindi ako sinasali ng mga kaibigan ko sa kanilang mga laro kasi alam nila na kapag matalo ako ay iiyak na lang ako basta basta. lalo pa at lagi naman akong talo. bang lampa ko kasi.
nadala ko yun haggang pagtanda.
pikon pa din ako ngayon.
kaninang umaga lang ay napikon na naman ako. pano ba naman kasi ay late na naman ako. mga alas-nuebe y media na ay naghihintay pa din ako ng dyip pa-cubao. alas diyes ang pasok ko kaya medyo nagmamadali na ko. may dumating na dyip, sakto a-cubao ang byahe. kaso dadalawa na lang ang pwedeng sumakay. nakipagunahan ako sa mga taong nanduduon.
kaso nasawi ako. naunahan ako nung ale.
nang lumarga na yung dyip, sinundan ko ito ng tingin. sasabihin ko sa iyo, nang makita ko ang ale na utumakyat ng dyip ay maluha-luha na ko.
oo. napikon ako kaya naiyak ako.
napikon ako kasi inunahan ako nung ale sa pagsakay ng dyip. sa loob-loob ko ay mas kailangan ko namban sumbmakay dun, tsaka ako yuung unang nakakita sa dyip. bakit naman siya pa yuung nakaskay? bakit hindi ako?
magkahalong inis at awa s sarili ang naramdaman ko. gusto kong sumuka na lang sa gitna ng daan at huwag ng pumasok tutal late na din naman ako.
pero hindi nangyari yon.
nakapasok ako. late gaya ng dati. ginutusto kong dalhin yung pagkapikon ko hanggang klase. ginusto ko na mapikon at maginarte na lang buong araw. ginusto ko magkunot ng noo maghapon.
pero hindi dapat.
papanget ako. tsaka hindi maganda yun. kaya pinilit kong wag mapikon.
ang galing lang talaga. akalain niyo yun talo na pero panalo pa din sa huli?
akala ko talaga buwisit yung araw na to, pero hindi! masaya pala siya.
kahit na naghintay ako ng halos isang oras sa up para sa dyip ng katipunan, masaya pa rin sa huli. salamat sa kaibigan, kaklase, higit sa lahat sa Diyos ko. isama na din natin ang libreng ice cream at masayang kwentuhan sa ilalim ng flyover.
sa huli, mapikon ka man, ang mahalaga ay magpapatalo.
okay lang maging pikon. wag lang pikon-talo.
praise God! nakauwi din.

Sunday, July 20, 2008
tago-taguan
tago-taguan maliwanag ang buwan...
hindi ko na malala ang sumunod. basta kailangan mo magtago hanggang makabilang ang taya ng hanggang sampu, minsan bente, minsan isang daan. tapos hahanapin ka ng taya. pag nahanap ka, pwedeng ikaw na autmatically ang taya. minsan naman paunahan kayo sa base. kung sino mahuli, siya na ang taya.
magaling ako magtago.
hindi kasi nila ako hinahanap.
pero mga bata kami noon. mga uhugin, pawisin at walang kapoise-poise na nilalang. mukha kaming mga tyanak na nagsisiksikan sa kungsaang-saang sulok sa buong bilding. minsan sa likod ng pinto, ilalim ng upuan, gilid ng hagdan atbp. maliliit kami kaya kasya kami kahit saan.
pero malaki na kami ngayon.
hindi na uso ang tago-aguan. masagwa na kasi para sa akin na sa laki kong ito ang magtago sa sulok-sulok.
pero sasabihin ko sa iyo, ang galing ko pa ding magtago.
sa tuwing titingin ako ng mga litrato ng kung ano-anong event sa kung saan-saang lugar ng kuung kani-kaninong camera eh bihira ko lang makita ang sarili ko. nandun naman ako. bakit kaya wala ako?
siguro kasi gaya ng bata pa ako eh hindi ako hinahanap ng mga tao.
pero ayos lang. hindi naman kasi sa lahat ng oras, noon nung kami pa ay naglalaro, ay hindi ako hinahanap. sa katunayan, madalas rin naman akong taya.
baka nga ganun.
taya ako kaya hindi ako hinahanap.
pero ganyan talaga.
wala man ako sa larawan, nandun naman ang mga kaibigan ko. at kahit papano, alam ko ang kwento sa likod ng litrato.
ang galing ko talaga mag tago.

Tuesday, July 15, 2008
instant
parang noodles
yung tipong just add hot water
paborito ko yung yakisoba
yung maanghang-anghang na ewan
may spicy chicken at savory beef flavor
sa skul kapag wala akong baong lunch, ito ang pinapatulan ko.
sa isang cup, solb ang kumakalam kong sikmura.
at three minutes lang kung lutuin!
yan kasi ang uso.
pabilisan.
kaya lahat instant. pati noodles.
higit pa sa instant noodles, instant pancit canton, instant spaghetti, instant message, instant ayos at kung anu ano pang ka-instantan sa mundo, pinaka malupit ang instant answers.
alam mo yung feeling na kakadasal mo pa lang sa isang bagay at darating na kaagad?
instant talaga.
hindi man three minutes, pero dahil sa sabik mo na masagot ang dasal mo ay instant pa din kahit na ba isang linggo mo na yun pinagdarasal.
eto ang kwento.
matagal ko na pinagdarasal na makapunta ulet sa isang YFC activity. miss ko na kasi sila. matagaltagal na rin kasi akong hindi nagpaparamdam sa kanila.
naalala ko pa nga na nuong isang linggo ay binati ko pa ang si ria at si leah na miss ko na sila.
pati rin pala ang mga ycom friends ko na sina karen, erik at djo. si mark din pala.
tsaka si kata din pala. at si ganito at si ganyan
basta. madami un.
pero praise God dahil instant answer talaga!
akalain niyo yun. covenant recollection namin nuong linggo.
nagpaprint kami ni part ng ids dahil nagkulang.
pagbalik namin ng layforce, aba eh nakita ako ni ate kat!
sabi nga niya may kasangga assembly sila nang araw na iyon sa second floor ng bilding.
huwaw!
makikita ko na ulet ang aking global friends!
at ganun nga ang nangyari.
sobrang wala akong masabi sa mga susunod na nangyari.
miss ko lang sila siguro
parang yakisoba.
saglit lang kainin.
pero yung sarap niya ay nadadala mo hanggang next class.
isa pang yakisoba!!! :D

i feel happy like a happy meal
ito ay isang kakaibang feeling
kakaiba talaga
katumbas ng pagkain ng happy meal ng mcdo
yung masayang ewan.
yung masayang parang lutang.
yung masayang hindi nakakahawa.
chill lang kumbaga.
chill talaga.
as in chill literal.
malamig kasi kaya ganun marahil ang pakiramdam. parang centralized ang airconditioning ng mundo sa araw na ito. chill talaga.
grabe.
sa sobrang chill ko, ni magaral ay di ko na magawa. kaya keber na lang ako para sa quiz ko nang hapong iyon. ewan, nagtutumalon pa nga ko pagpasok kasi chill lang talaga.
tapos chill pa din paguwi.
malamig pa din kasi naulan.
hanggang sa sinimulan ko nang gawin yung plate.
aba eh lintik ayaw magbukas ng kompyuter dahil sira na naman ang keyboard!
tae
kinailangan ko tuloy baklasin ang manilaw-nilaw kong palapindutan. pero ganyan talaga. masaya naman.
kaya ito, praise God nakapagtype na din.
alam mo yung feeling na masaya kahit gaano kapakla ang lasa ng spageti?
yung masaya kahi gaano ka-bulok yung libreng laruan?
yung masaya kasi masaya. happy meal nga eh.
parang happy meal.

Wednesday, July 9, 2008
recitation
alam mo yung feeling na alam mo yung sagot sa tanong pero di naman ikaw yung tinanatanong? yung kahit gaano ka na katagal magtaas ng kamay o kahit gaano mo man ito kataas itaas at iwagayway, iniisnab ka lang talaga ni maam.
marahil kasi lagi ka namang tinatawag dati. na sa inaraw araw ay ikaw at ikaw lang ang sumasagot. o baka naman kasi alam ng titser na kalokohan lang yung isasagot mo. maraming dahilan sa maraming pagkakataon pero sa lahat lahat isa lang ang mararamdaman mo:
na isa kang epal.
epal kapag papansin ng papansin di naman pinapansin. parang stalker na pa-cute ng pa-cute sa isang hot papa. at dahil sa kawirduhan ng stalker eh di na lang siya pinapansin ng hot papa.
epal kapag sagot ng sagot di naman tinatanong. parang tsismosang kapit bahay na makarinig lang na pinaguusapan si ganito o si ganyan eh sasabat na lang ng walang paalam. dahil sa stranger siya eh tataasan na lang siya ng kilay.
epal kapag kumakarir ng bagay na di naman niya trabaho. parang saksakan ng talinong classmate na kapag may group work ay sinosolo ang trabaho pero isinusumbat sa mga kagrupo ang nagawa niya. kadalasa'y walang tunay na kaibigan ang taong ganito.
nakakainis, nakakabwisit, nakakaputi ng buhok sa ulo, sa kilikili at sa binti ang mga epal. yung tipong hindi ka na nasisikatan ng sinag ng araw kasi malaki silang balakid sa buhay mo. yung tipong kahit di ka marunong magtaas ng kilay eh tataas na lang iyon ng kusa.
malungkot maging epal, lalo na kung ganyan gaya sa nakasaad sa itaas yung reaksyon sayo. wala ka na ngang kaibigan, wala ka pang pangalan dahil epal ang tawag sayo.
isang malaking epal.
pero sa depensa ng lahat ng epal, epal-epalan at kaepalan sa mundo, may mabuti naman silang nadudulot. gaya ng iba pang salot sa lipunan, halimbawa nito ay ang gagamba na kumakain ng peste. sabihin na lang natin na malaking tulong na ang kaepalan nila. isipin mo, na kung hindi epal si classmate edi pinaghirapan ninyo ng kuntodo yung group project. o kaya naman ay kung hindi epal si kapit bahay edi di mo nalaman na buntis na pala si ganyan. lalo na na kung hindi epal si stalker edi di mo nafeel na hot papa ka pala.
hindi sa lahat ng oras salot ang mga epal. gaya nga ng sinabi ko malaki pa nga silang tulong sa lipunan.
kaya lang naman sila naguumepal ay kasi naghahanap lamang sila ng pansin. naghahanap lang naman sila ng papansin sa mga kilos, porma, gawa, at lahat-lahat ng mabuti sa kanilang pagkatao. mabuti naman silang nilalang, wala lang nakapapansin sa kanilang abilidad.
kaya ko nasabi ito kasi epal din ako.
ako yung stalker na pa-cute nang pa-cute di naman cute. ako yung kapit bahay na tsismosa na sabat nang sabat di naman kausap. ako yung classmate, di man katalinuhan, ay karir nang karir ng trabaho di ko naman trabaho.
sa lahat ng kaepalan ko, nakatutulong man o nakakaperwisyo, natututo ako. unti-unti natututo akong lumugar sa tama. unti-unti natututo akong magbigay. unti-unti natututo akong magpakumbaba. siyempre kapag nagtagal, umaasa na buong-buo ko na matutunan ang tama. hindi naman dapat lagi kang nasa mali.
sa huli, pagbalik sa klasrum, gaano man katagal nang nakataas ang kamay ko, alam kong matatawag din ako. hindi man ngayong lesson na ito pero baka bukas, sa makalawa o sa malayon hinaharap. basta, kung doon ang tamang lugar, kung yun ang tamang oras edi doon ako lulugar.
recite lang ng recite. papansinin ka din ni maam.

Friday, June 27, 2008
palo sebo
sabi ng kapatid ko, piyesta daw sa bayan noong isang araw. kaya naisip ko ang makukulay na banderitas, litson, tsubibo, discohan at palo sebo. pero asa naman ako. hindi uso sa bayan ang mga yun. liban na lang sa mga banderitas na gawa sa balot ng tsitsirya.
ikinalulungkot ko na hindi pa ako kailanman nakakita ng palo sebo. lahat ng nabanggit ko, yung litson, banderitas at iba pa ay madalasdalas kong nakikita sa paaralan kapag may okasyon. pero hindi pa talaga kailaman ako nakakita ng palo sebo sa tunay na buhay.
sa tv ko lang ito napapanuod. kapag nagpapalabas sila ng mga pelikula na kung saan ang bida ay magtatago sa nayon at maabutan sila ng piyesta tapos maglalaro sila ng habulang biik. madalasdalas na nagpapalo sebo ang mga bata na nasa likod.
simple lang naman ang panuto ng laro. aakyatin ng manlalaro ang isang mahabang kawayan na nakatuhog sa lupa para makuha ang premyo na nasa tuktok. kadalasan daw ay buko ang nasa ibabaw.
pero siyempre, hindi lang ganun kadali yun. minamantikaan muna nila ang kawayan nang sa gayon maging madulas at mahirapan ang mga bata pumanhik sa gapatpat na kawayan.
naaaliw ako sa tuwing manunuod ako ng palo sebo (sa tv malamang). paano kasi ay tatalunin ng mga bata ang kawayan at mula sa kung saan sila makakapit ay doon sila aakyat. pero dahil nga madulas ang patpat ay mahuhulog na lang sila sa kanilang mga puwit at tatalunin muli ang kawayan. kadalasan, pataasan na lang ng talon ang nangyayari dahil nga dito na lang sila nakakabawi. kapag mas mataas ang natalon, mas kaunti na lang ang papanhikin. mas madadalian sila. aakyatin at mahuhulog ng paulit-ulit hanggang sa may makaabot ng tuktok.
kanya-kanya ang pagpanhik sa kawayan. walang tulong mula kahit kanino liban na lang siguro sa mga palakpak at puri ng mga kaibigan na nanunuod.
iisa lang naman ang layunin ng laro, ang maabot ang premyo sa dulo ng kawayan. mahulog ka man ng makailang beses, kailangan mo pa ring talunin at akyatin ang kawayan at higit sa lahat subukan ,kahit na makailang ulit mahulog, na abutin ang buko na nasa tuktok ng kawayan.
akala ko sa taytay lang hindi uso ang palo sebo. noong nasa catanduanes ako, isang buwan na ang nakaraan, nataon na piyesta sa isang bayan doon. siyempre, hinanap ko ang banderitas, litson, tsubibo, discohan at palo sebo. pero hindi ko sila nakita liban sa discohan. at siyempre naguumapaw na hipon at alimango.
naisip ko lang. baka siguro marami na ang nabalian sa puwit dahil sa palo sebo kaya hindi na siya nilalaro. o baka naman kasi lagi na natin itong nakikita sa araw araw nating buhay. tayo na nakikipagpalo sebo sa ating mga pangarap.

Friday, June 20, 2008
singin in the rain
kabilang sa aking kabataan ang walang sawang panunuod ng tv. at lahat ng pinanunuod ko ay kadalasang ginagaya ko. isang sikat na komersyal nuon ay komersyal ng diaper kung saan may isang batang nakadiaper na may payong ay naglalakad at sumasayaw sa ulan. singin in the rain ung tugtog.
tumatak sa isip ko ito. kaya kapag umuulan nuon ay kumakanta kami ng singin in the rain at nagsusumayaw sa ilalim ng ulan. hindi din kasi ako nagdadala ng payong noon paano kasi ay lagi ko itong nawawala kaya wala akong ibang puwedeng gawin kundi magpabasa na nga lang sa ulan. uuwi ako ng bumabahin at singhot ng singhot nang sa gayon ay hindi tumulo ang uhog. napapagalitan ako ng yaya namin dahil nga daw ay pabaya ako sa aking sarili. bakit ba daw di ko gayahin si ganito at si ganyan na matitino at may finesse kung kumilos. nakamangot ako kapag pinagsasabihan niya ako. pero sa loob loob ko, lumilipad ang isip ko. masaya ko kahit pa magkasakit ako at makagalitan ako dahil sa paglalakad ko sa ilalaim ng ulan. para sa akin, iyon ang kalayaan.
hindi kasi ako galang bata. bihira lang ako lumabas ng bahay. kaya nung makawala ako nuong nagkolehiyo ay laking pinagbago ko. pinilit ko magkaroon ng finesse. pinilit kong magdalaga. cool daw kapag may finesse. kaya nakiuso naman ako.
hindi daw cool ang mukhang basang sisiw. kaya bumili na ko ng payong. dalaga na kasi ako eh.
kakampi ko ang payong ko kapag pumupunta ako ng math building, fine arts, AS, SC at kung saan saan pa. tanda ko nga noon na sabi nila, nagpapaulan daw ng uno sa math2. sakto! math2 ung math ko. ayoko ng matematika kasi mahina sa larangang iyon pero laking tiwala ko noon na mau-uno ko talaga ang math2. umuulan daw ng uno dun eh. kaya di ako gaanong nagaral.
pero hindi ako naka-uno. mababa pa nga ang nakuha ko. hindi na ko nagulat kasi hindi ko naman siya pinagsikapan. mas lalo ko lang kinamuhian ang matematika. hindi na din ako naniniwala kapag may nagsabing nagpapaulan ng uno ang mga guro.
meron din namang nagsabi na iyong gurong si ganyan ay nagaambon ng uno sa mga babae. kinagat ko ito. babae naman kasi ako kaya umasa ako na mababasbasan ako ng mataas na marka. nang mga panahong iyon, tinapon ko yung payong ko. nasira na kasi siya. kaya nung araw na kinuha ko yung klase ay nakisilong pa ko sa payong ng isang kaibigan panu kasi ay bumabagyo. nung umuwi na siya, at sa mga ibang araw na hindi ko siya kasama ay nagpapatila na lang ako ng ulan. nagpapalipas ng kahit gaanong kahabang oras sa may silong basta ba hindi lang mabasa.
nang natapos ang klase para sa semestre, hindi ko nakuha ang inaasam na uno. masyado ako nanging kamapante na mababasbasan ako dahil nga babae ako. mali pala iyon. mali din na umaasa ako sa kaklase ko. parehas kasi kami ng iniisip, parehas kaming umaasa na maka-uno kahit na hindi kami magaral, parehas tuloy kami ng marka sa huli.
hay. sinabi ko sa sarili koo noon na hindi na ko maniniwala kapag sinabi nila na umuulan ng uno sa klaseng iyon o nagpapaulan ng uno si prof ganyan. hindi naman kasi ako nakatikim ng ulan na sinasabi nila. magpapayong na lang ako o kaya ay sisilong. mabuti ng hindi mabasa ng ulan at baka magskasakit pa ako.
nag PE1 naman ako ngayong taon. walang may sabi kung nagpapaulan ba dito ng uno. kung sabagay, di ko din naman paniniwalaan yun. pero minsan matapos ang klase, aba eh bumuhos ang pagkalakaslakas na ulan. putek. may klase pa naman ako pagkatapos na pagkatapos ng PE. nakatayo ako sa may bukana ng gusali, naghihintay tumila ang ulan pero wala siyang pinapakitang senyas na hihina siya. palakas pa nga ito ng palakas. at dahil wala akong payong at gahol na ako sa oras, sinugod ko ang malakas na ulan. tumakbo ako sa ilalim ng unos gaya noong bata pa ako.
madami akong natututunan sa paaralan. pero mas marami akong natututunan sa tunay na buhay. marami akong napagmumunihan sa tuwing naglalakad ako, depende sa kung ano ang nakikita o mga naganap. minsan, napagmunihan ko, dulot ng madaming beses na sinabi sakin na umuulan ng uno sa dito sa ganyan at kay ganito, na lahat ng prof, lahat ng klase ay nagpapaulan ng uno. madalas lan akong nakapayong o kaya ay nasa silong. kailangan ko matutunang bitawan ang payong o lumabas sa silong at tumungo sa kalayaan na alam ko noong bata ako.
naalala ko tuloy ang komersyal ng nescafe. ligayang ligaya silang nagtatakbuhan sa ilalim ng ulan. mga binata at dalagang naglalambingan at may hawak hawak na kape. tinanong ko sa sarili ko, hindi kaya nabasa yung kape nila? ano na kaya ang lasa nun? magaya nga.

Wednesday, June 18, 2008
jakston
Noong isang gabi lang ay pinag-aagawan namin ng kapatid kong babae ang isang sisidlang tela. Paano kasi ay iyon ang lalagyan ng mumurahin kong jakston. Laking gulat ko nga na iba na pala ang laman ng sisidlan at naisumbat ko pa sa kapatid ko kung saan ba niya nailagay ang laruan na nasa loob nun dati. Naitago naman daw niya at ipinakita pa sa akin ang kahon ng pinagsilidan niya rito.
Nakakatawa pero kahit na sa tanda kong ito ay ligayang-ligaya lang talaga ako sa paglalaro ng jakston. Sa bahay namin ay ito ang numero unong pampalipas-oras naming mga babae, at minsan pati mga lalaki. Kahit pa nga nanay ko na medyo may edad na ay wiling-wili sa paglalaro nito. Sa totoo lang ay mas magaling siya sa akin at hindi pa kailanman natalo sa aming lahat.
Napakahalaga para sa akin ang aking mga jakston dahil sila ang nagpapaalala ng minsang masaya at mas madalas na malungkot kong kabataan. Paano kasi ay pikon akong bata. Pikon na, lampa pa. Hindi kasi ako biniyayaan ng talento sa paglalaro, mapa-habulan, tagu-taguan, jakston, bato-bato-pik at iba pa. Sadyang talunan lang ako. Ako yung kaklase na kapag pilian na ng kalaro ay laging huling pinipili. Ako din yung kaklase na hindi kailanman pinapasahan ng bola kasi alam ng madla na iiwasan ko ito o kaya naman ay mabibitawan ko o mas madalas na tatama na lang sa mukha ko. Mas lalo na ako yung kaklase na lagi na lang taya sa habulan dahil sa bagal kong tumakbo.
Kahit na ba na ang jakston ay linalaro lang ng nakaupo, sadyang nuong bata ako ay talunan ako dito. Para sa aking mga mambabasa na marahil ay hindi na alam ang mga panuto ng laro, ganito lang iyon kasimple: merong sampung star at isang bola, layunin ng laro na makuha lahat ng star matapos itong ikalat. Ngunt hindi ganun kadali iyon. Matapos ihagis ang mga star upang kumalat, ihahagis naman pataas ang bola saka dadampot ng isang star at saka sasaluhin muli iyong bola. Ganun din ang gagawin sa mga star na natitira. At padami nang padami at dadamputing star habang patagal nang patagal ang laro. Minsan pa nga, lalo na kapag bihasang-bihasa na ang isang manlalaro ay kung anu-ano ng istilo ng pagbato ng bola at/o pagdampot ng star. Pero kahit gaano pa man kasalimuot ng pagbato o kaya naman ng pagdampot eh ganun pa din naman ang layunin ng laro: na madampot muli lahat ng nahulog na star.
Kahit na ganyan lang kadali ang proseso ng paglalaro ng jakston eh, talunan ako sa larong iyon nuong kabataan ko. Nang tumapak na ko ng kolehiyo eh saka na ako gumaling sa jakston.
Higit pa sa dahilan na sa jakston ko naaalala ang masalimuot kong kabataan, sa jakston ko din natutunan ang isang mahalagang aral sa buhay. Dito ko natutunan ang pagbitaw. Ganito kasi iyon, hindi mo makukuha ang star kung hindi mo bibitawan ang bola. Sa paghagis mo sa bola ay maaring masalo mo ito muli, at ito ang dapat para matuloy ang laro, o hindi na ito masalo. Sa karanasan ko ay madalas kong hindi na nasasalo ang bola. Minsan kasi ay naibabato ko ng masyadong mataas, o di kaya naman ay masyadong mababa. Minsan naman ay ayaw ko nang bitawan ang bola dahil natatakot akong baka hindi ko na nga ito masalo.
Pero yan ang jakston, kailangan talagang bitawan ang bola bago dumampot ng star. Mas madalas na hindi ko nasasalo ang bola. Oo natatalo ako, pero sa isang round lang naman. Alam ko at umaasa ako na babalik muli sa akin ang bola at ako na muli ang maglalaro. Magkakaroon ako muli ng pagkakataon para dumampot ng star matapos kong bitawan ang bola.

taym pers
alam mong mahalaga ito. alam ng lahat ng batang pinoy ang laking kahalagahan ng taym pers. alam mo na kapag nagsimula na ang habulan, ice-ice water o langit lupa ay kahit minsan sa buong laro ay gagamitn at gagamitin mo din siya.
para sa mga marahil ay kahapon lang pinanganak o kaya ay sadyang alagang-alagang bata, ang taym pers ay ang sinisigaw ng isang manlalaro na gusto munang lumiban sa laro ng sandali ngunit babalik matapos ang ilang saglit. isisigaw niya ito sabay gagawa ng pa-letrang T gamit ang kamay. kapag nasambit na niya ang taym pers ay hindi siya maaring tayain ng taya, liban na lang kung sadyang madugas yung taya at nantataya pa din kahit makailang beses ka nang tumaym pers.
ilan sa mga gamit ng taym pers ay kung magtatali ka ng sintas ng sapatos mo. isa pa ay kung iinom/makikiinom ka ng tubig dahil sa sobrang pagod kakatakbo. madalas pa nga ay kung darating na yung kundoktor ng serbis mo at iaabot mo yung bag mo para malagay na sa loob at magpapatawag ka na lang kapag aalis na dahil wiling-wili ka pa sa paglalaro. pero ang pinakamadaya ay yung magtataym pers kapag malapit na sa kanya yung taya. at dahil sa kapangyarihan ng taym pers ay mahihinto na lang talaga ang taya at wala siyang magagawa kundi ipagliban siya.
lagi akong biktima nito. dahil nga lampa akong bata ay madalang lang akong makahabol ng tao. at dahil pa mahina ang loob ko lagi ko na lang silang napagbibigyan.
kaya natatapos ang laro na ako at ako lang ang taya. ako ang habol ng habol.
may mga pagkakataon naman na dahil alam nila na mabagal akong tumakbo ay hindi na nila ako hinahabol. saling ketket na lang kumbaga. nababagot lang daw kasi sila kung ako at ako lang palagi ang taya. wala daw challenge.
pero kahit na ketket lang ako, nakikitakbo din naman ako ng kuntodo. at siyempre, kahit na alam ko naman na hindi sila interesadong tayain ako eh nakikitaym pers din naman ako.
ang madalas na dahilan ng aking pagliban ay dahil malapit na sa akin ang taya. sinasabi ko na hinihingal na ako o kung ano man. at hinahayaan naman ako sa kasinungalingan ko. paano kasi ay hindi naman talaga ako ang hinahabol nila.
at dahil nailiban na ako mula sa laro, uupo muna ako sa gilid. magmumuni-muni at kunwaring kinakapa ang dibdib at humihinga kuno ng malalim. kuntodo akting pa rin kahit na lam kong mas gusto nila na wala ako sa laro. mahirap ng mapagbintangan noh.
kung tutuusin, maaring hindi na ko bumalik sa laro. tutal eh naliban na naman ako at pwede na akong umuwi dahil naabot ko na sa kundoktor yung bag ko. hindi din naman nila mapapansin na wala na ko dahil ayaw naman nila akong kalaro.
pero ayaw ko. may hiwaga ang taym pers na magbibigay sa iyo ng pakiramdam na kailangan mong bumalik sa laro. dahil alam mong panandalian lang ang epekto niya at baka sakaling tayain ka nila ng walang pasinabi. dahil alam mo at nakikita mo kung gaano lang talaga kasaya silang maglaro na nahihikayat ka pang sumali muli. at dahil alam mong may naghihintay sayong pagbalik, gaano ka man nilang ayaw kalaro, meron pa din diyan kahit isang gusto ka pa ding habulin, makitakbo kasama mo at tatawa na lang sa kabila ng pagod at pawis kasama mo.
mahalaga ang taym pers. kasi kahit gaano ka man katagal lumiban, kahit paano ay babalik at babalik ka din. minsan para sa saya, minsan para manalo, pero minsan para balikan ang kalarong naghihintay sa pagbalik mo.

Subscribe to:
Posts (Atom)