wala na kaming ibang ginawa kundi magbidyoke.
mapabirthday man o wala lang talaga, basta may magic sing eh hala ayan at kakanta na.
sa totoo lang ay hindi ako kailanman nasa tono. at bibihira ang mga pagkakataon na papalo ng nobenta ang puntos ko sa magic sing. pero wala akong pakialam. masarap kumanta kahit na nagtatakip na ng tenga ang aking mga tagapakinig.
paborito ko dati yung 'total ecclipse', yung pagbumirit eh papalo ng otsenta yung score. kaso nagsawa ako at napakanakakabulol niya na kasi.
hanggang sa naging 'ironic'. kapag chorus lang papalo ng nobenta ang score pero pag natapos, sebenti lang pala ang makukuha ko. pero gusto ko yung kanta. ang ganda kasi ng liriks na tipong nakaka-lss talaga.
pero ang panalo ay 'top of the world'. yung sasabayan ka ng sambayanan dahil panahon siya ng lahat ng henerasyon. klasik kung klasik. alam ng lahat ang liriks. higit pa diyan, nakaka nobenta'ynuebe yung score ko. winner kung winner.
kung iisipin, ang pagbibidyoke ay hindi nakukuha sa iisang kantahan lang. hindi ka makakaperpek kung walang praktis. paano kasi malandi yung mic at kailangan mong hasain ang lalamunan mo para sumwak ang lakas ng boses mo sa hinihingi ng sensors ng mikropono.
eto ang kwento,
naghahanap ako ng kabuluhan sa mundo. kung ano ba ako at para saan ako.
simple lang pala ang sagot.
bata pa ako at hindi ko pa ngayon malalaman ang kabuluhan ko sa mundong ito. marami pa akong pagdadaanang kung anu-ano at marami pa kong makikilalang kung sino-sino.
sasablay pa muna ako ng maraming beses para matuwid ang maraming bagay tungkol sa akin at sa aking pamilya, kaibigan, pagaaral, pagibig at katarungan.
hindi pa tapos sa akin ang Diyos.
sa huli, sa tinagal-tagal kong kinakanta ang 'ironic' hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang tono ng huli niyang linya. buti na lang pala at meron pa akong ilang libong taon para malaman kung ano ba talaga ang tono nun. basta kakantahin at kakantahin ko lang siya. makukuha ko rin.
praise God!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment