Sunday, September 14, 2008

ANG MAHIWAGANG KWAGO: kwentong puyat, lamay at eyebags

dapat ay matutulog ako ng maaga ngayong gabi.

sa totoo lang, hindi eyebags ang ebidensya ng aking paglalamay sa kawalangkwentahan pag gabi. sa halip tinutubuan ako ng sandamakmak na tigyawat sa mukha, likod at sa tenga. kaya sabi ni mama matulog na ako ng maaga.

pero hindi ko kaya.

naglalamay kasi ako sa harap ng kompyuter at nanunood ng detective conan.minsan naman kausap ang ilagn kaibigan sa ym. pero mas madalas na naunuod lang ng detective conan.

hindi ko maiwasan ang magpuyat sa gabi para dito. paano kasi ito na ang aking 'sweet escape' mula sa lahat ng kawindangan ng mundo.

at laking salamat ko para dito.

kaninanina lang, kaya marahil ako ay puyat ngayon, ay binasa ko ang mga kumento ng mga tao mula sa pinost kong blog. maluhaluha ako. ang tanga ko para hindi makita kung gaano karami ang taong nagmamahal sa akin.

ang galing lang talaga.

siguro ngayon kailangan ko lang panindigan ang pagiging mahiwagang kwago ko. liban sa pagpapatuloy ko ang pagpupuyat (paano kasi ay kaakibat ito ng karir ko) ay kailangan kasing laki rin ng kwago ang mga mata ko. para makit ko kung gaano ako nabiyayaan ng mga taong nagmamahal sa akin.

sa huli, nakakakita sa dilim ang kwago. marahil kailangan din ako makakita muli kahit wala akong makita. 'relearn' ika nga nila.

praise God!

No comments: