Monday, December 29, 2008

bakasyonista blues: mga kwento kasama ni illuminada, dolores at eddie

sabi nila, "begin with the end in mind". kapag alam mo na kasi ang ending, alam mo na kung paano dadaloy ang kwento. pero hindi ko alam kung paano tatapusin itong akda.

kaya hindi ko din alam kung paano magsisimula liban sa hindi ito ang nakasanayan kong bakasyon.

kapag wala kasing pasok, mapa-sem break man o kahit sabado, linggo o lunes man, alam kong ang araw na ito ay para sa yfl, para magsilibi. at masaya ako dito.

kung walang asembli, may household meeting. kung walang household meeting, may service meeting. kung walang service meeting, may retreat. kung walang retreat, may camp. kung walang camp, may party, event, praise concert, conference, congress, fellowship, tambay, birthday, gala, sine at asembli ulit.

kaya laking taka ko kung bakit nasa bahay lang ako ngayong bakasyon.

hindi ako sanay. kahit na alam kong may gagawin naman (gaya ng mga youth camp na nahiya akong bisitahin at ang dyd na hindi ko na nadaluhan bilang hindi na ko pinayagan ng mga magulang ko) pumirme pa din ako sa bahay. kahit na labag sa sistema ng aking body organs, nakatengga lang ako.

buti na lang sinamahan ako nina illuminada,dolores at eddie. pati ng ilang penguin, si charlee, ilang weird na hayop, isang bugnuting waiter at ang tsismoso nitong kasama, mga puffle, polar bear, alimango, mga langgam, mga bubuyog, tsubibo, karusel, cotton candy, popcorn at kung ano pa.

sa pagtengga ko, hindi pala ako nagiisa.

hilig ko noong bata ako ang magbasa. ako pa nga, sa aking palagay, ang pinaka mabilis magbasa sa klase. pagbabasa lang ang hilig ko hanggang noong mag haskul ako.

hindi ko nga lang alam kung bakit pagtapak ko ng caleyj, nawala ang hilig ko magbasa. sa hilip, mas nahilig ako maglaro sa kompyuter.

pero hindi mo lang talaga maipagpapalit ang pers lab mo. kaya marahil ngayon, nabalik ako sa pagbabasa.

madami man akong namis, madami naman akong natutunan muli.

mahirap magsimula ng akda, lalo pa at malabo pa ang ending. gayunpaman may kasabihan pa din naman tayo "kapag may tiyaga, may nilaga". siguro pwede na itong nilagang ito.

praise God!

muli, nang maalala mo at maalala ko din: di mo maipagpapalit ang pers lab mo. :)





No comments: