pild trip ni jevan kahapon. di ko man nakita, pero alam ko kung gaano siya nasasabik sa araw na ito. matagal-tagal na niyang pinaplano kung ano ang mga babaunin niya. makailang beses niyang sinabi sa nanay namin na tinapay daw ang gusto niyang baunin kaya tandang tanda ko ito.
pero sa totoo lang, alam kong mas sabik dito ang nanay ko. paano kasi ay unang beses pa lang niyang masasamahan ang anak niya sa pild trip bilang may trabaho siya noong kabataan naming apat na nauna niyang anak. na minsan pa nga, siya na mismo nagtatanong kay jevan kung anong babaunin nilang dalawa.
hindi ko man nakita, pero alam kong hindi sila makatulog sa sobrang eksaytment.
alam mo yung feeling na di ka makatulog kasi sabik na sabik ka lang talagang magbukas? yung iniimagine mo na kung ano yung mga mangyayari, yung pinaplano mo na yung susuotin mo, yung pinapraktis mo na yung sasabihin mo sa mga tao.
noong nasa siena pa ako, di ako makatulog bago mag-pild trip. iniisip ko na kasi ang mga maaring mangyari. kung magiging masaya ba o, kapag minsang madrama ang utak ko, madidisgrasya ba kami at ma-t-tv. lahat iniisip ko na kasi masaya at inaasahan ko na magkatotoo lahat ng naisip ko.
pero higit sa lahat, hindi ako makatulog kasi alam kong masaya bukas. at sa loob loob ko, hinihiling ko na sana bukas na lang sa oras na ngayon.
hindi ko na nakita si jevan bago siya makasakay ng bus. hindi ko na rin nakita kung ano ang porma ng nanay ko ngayong pers taym niyang sasama sa anak sa pild trip. at hindi ko din natikman ang pasalubong na maaring dala nila galing kung saan man. pero ako, hindi pa din ako makatulog kasi nasasabik na kong makita sila muli.
kaya marahil hindi pa ko makatulog.
ang galing lang. kanina kasi hinihiling ko na sana bukas na at nasusuka na kong makakita ng monitor ng kompyuter. tapos ngayon, kinabukasan na nga! makakauwi na din ako! yehey!
praise God!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment