si claro reklamo ang bida sa isang kwentong hindi ko pa natatapos. sumubok kasi ako dati gumawa ng children's story bilang na-hook ako dito, pero ni isa sa mga sinimulan ko ay walang natapos.
paborito ko ang kwento ni claro. isa kasi siyang batang semi-kal na lahat na lang ng bagay ay rinereklamo niya. hanggang sa nagpakalbo siya (pwede namang magpakalbo pa ang batang semi-kal diba?) at hindi na tumubo pa muli ang buhok niya. skin-head na lang kumbaga. at bilang bata pa siya, hindi niya matanggap na KKK (kalbo kinis kintab, napulot mula sa jologs kong mga kapatid, T_T) na siya. at hindi ko na alam kung ano mangyayari matapos niyan.
noong una, kakausapin dapat siya ni muning (kanilang pusa) na wag na kaikanman magreklamo, tapos magbabago na siya at doon matatapos ang kwento. pero parang ang jologs. kulang pa sa aksyon.
kaya noong naglaon naisip kong patunguhin siya sa miminglandia na tirahan nila muning at doon niya matututunan na wag na umangal. kaso di ko pa lubos maisip ang itsura ng miminglandia at mga pangalan ng iba pang miming sa tagpo. kaya hindi ko na natuloy. at isa pa, baduy kung gawin kong ganun.
hanggang sa hindi ko na talaga natuloy pa ang kwento ni claro. reklamador pa din siya.
ngayong linggo ko na lag ulit naalala si claro. noong first year ko pa kasi siya sinimulan. at dahil hindi ko na siya natuloy, nabaon ko na siya, sabihin na lang natin, sa limot.
pero ang isang karakter gaya ni claro ay mahirap kalimutan. paano kasi ako man ay parang si claro, reklamadora din ako.
madaming panahon sa buhay ko na pakiramdam ko walang nangyayaring tama sa buhay ko. at kung may mangyari man na ayon sa gusto ko, parati pa din akong may nakikitang mali. parang ang hirap kong makuntento.
at sa mga panahong hindi ako kuntento sa kung anong meron ako, reklamo na lang ang solusyon ko. kaya wala akong ginawa kundi umangal. kaya walang nangyayari sa buhay ko.
at ngayon ngayon ko lang naisip na wala akong mapapala sa kakareklamo.
pero ang galing lang. tila ba umaayon ang mundo sa gusto ko. kaninang umaga, naisip ko lang, parang wala na nga akong irereklamo pa.
maayos ang pamilya, masaya ang mga kaibigan ko, maayos ang acads ko, at madami pang ibang mabuting bagay na nangyayari sa buhay ko, ano nga bang iaangal ko pa?
simula noong tumigil akong magreklamo, nawalan nga ako ng irereklamo.
sa huli, wala na talaga akong hihilingan pa.
praise God!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment