katatapon ko lang nung wrapper ng kinain kong wafer.
masakit kasi ang puson ko kaya napgdesisyonan ko na kumain ng tsokolate para humupa ang sakit. epektib naman. medyo nawala ang kirot.
hanggang ngayon nalalasahan ko pa ang matamis tamis pero mapait pait na lasa ng wafer.
kanina nabasa ko na naurong na pala ung araw ng praise concert.
dati kasi october 26 daw ito. siyempre natuwa naman ako kasi birthday ko yun kaya inimagine ko na kung ano yung mga mangyayari.
nakaplano na kung ano yung susuotin ko,bumili ako na bagong tshrit na maaring suotin ko sa araw na yun. nakaplano na din kung ano yung sasabihin ko sa mga babati sakin. prinaktis ko pa nga ng makailang beses sa harap ng salamin.
pero hindi na ito mangyayari.
wala na kasing special na mangyayari sa birthday ko.
walang metro con (paano kasi ay wala ako doon)
walang praise concert..
hindi special.
nalungkot ako siyempre.
pero sino ba naman ako para mangarap ng pagkatayog-tayog. nakakalula pala mangarap ng mataas. totoo pala na masakit bumagsak mula sa mataas.
siguro ngayon, natatakot ako na baka wala lalong bumati sakin sa birthday ko. paano kasi ay iba sa mga kaibigan ko ay masayang nanduduon sa metroconat makakalimutan na naman ako gaya ng dati, at karamihan naman sa mga bago kong kaibigan ay maaring hind ako batiin dahil hindi na kami magkikita sa birthday ko. wala na kasing okasyon nun.
mahirap pala magbirthday pag sembreak.
pero ayos lang. sa likod ng malungkot na alalahanin na marahil makalimutan na naman ng madla ang birthday ko, alam ko na marami pa ding nagmamahal sakin. kahit papano, blessed pa din ako.
sa huli, mapait pait man ang lasa ng nissin chocolate wafer, hindi mo ikakailang masarap pa din talaga siya.
oo mapait, masarap naman.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment