dahil buwan ng wika ngayon kaya tagalog ulit
madalas akong taya sa tago-taguan at madalas akong naghahanap...
sa totoo lang hindi makatha ang pakiramdam ko ngayon.
walang kadramahan ang dumaloy sa aking kokote at wala lang talaga akong maisip.
hanggang sa umuwi ako at nagpersonality test na naman.
nawiwili ako sa mga personality tests. yung matapos mong sagutin yung iilang tanong nila ay sasabihin na nila kung anong fruit, icecream, cake, dessert, pie, cookie, bubblegum, candy, at kung anoano pang masarap sa mundo. madami pang ibang personality test at wiling wili ako sa pagsagot.
nalaman ko kanina na isa pala akong spontaneous idealist. masaya, madaldal, magulo, madrama, maingay, maarte, patawa, may buhay. kumabaga sa kulay, napaka-dilaw ko daw.
basta masaya.
naniwala naman ako. para kasing totoo. tsaka sa lahat ng test na kinuha ko, halos magkakapareho lahat. masaya daw ako. napakasaya.
pero parang hindi ako kuntento sa mga nababasa ko. hindi ako payag na masaya lang ako. hindi ako payag na tiramisu lang ang personality ko. hindi ako payag na isa akong banana.
kaya test pa din ako ng test. nalaman ko na na mint chocochip icecream ako, pati choco chip cookie, apple pie din daw, chocolate shake, milk chocolate, hot fudge sundae, ice cream cake...
at halos iisa lang an sinasabi nila.
pero subok pa din ako ng subok. baka kako mabago ang pagkatao ko.
pero hindi.
sa huli, mahirap maging taya sa tago-taguan. hanap ka ng hanap, minsan matagal pero mahahanap mo din. minsan nasa harap mo na pero maghahanap ka pa ng iba.
alam kong nahanap ko na ang sarili ko.
may iba lang akong hinahanap.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment