islouput ang tawag ng nanay ko kapag nagbabagal ako. yung tipong alas nuebe yung misa eh alas otso y media palang ako maliligo, at mahigit isang oras ako kung maligo. kaya tuloy kapag dumating kami sa simbahan, offertory na ang aming naabutan.
sabi ni papa, 'slow-foot' daw pala yun. binaybay lang sa tagalog. pwede ding 'slow-poke' pero di ko pa alam kung pano naging 't' yung 'k'. pero ganun na nga iyon.
kung tuwing linggo eh ganoon na nga ang drama sa bahay. sa inaraw araw ko din bilang isang nilalang sa mundong ito ay islouput ako.
kapag pe o kaya uwian eh lagi akong huli sa habulan.
laging nahuhuli.
napagiiwanan.
at kapag nagtagal, nabubura sa alaala.
hindi ko na silang kayang habulin. ni dulo ng kanilang buhok eh di ko na maabot. mabagal ako, nagmamadali naman sila. mukhang di na kami magtatagpo.
pero ang lahat ay nadadaan sa practice.
kung aaraw-arawin ko ang pagtakbo ay bibilis din ako. kailangan kong mahasa ang aking mga binti para tumulin ang aking pagtakbo.
kaya ko yon. madali ang magpractice. gagawin mo lang ang isang bagay ng palit-ulit hanggang sa makabisa mo na. ma-master ika nga nila.
pero hindi muna ako magprapractice.
kulang pa ko sa pahinga.
ayoko munang magmadali. natutuwa pa ko sa bilis na meron ako.
kaya hindi muna ako magprapractice. hindi ngayon.
basta ang alam ko, hindi ko man sila maabutan, sisiguraduhin ko na kapag lumingon sila, nandun pa din ako.
mabagal, pero sinisikap humabol.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment