bilang may tema ang karamihan ng blogs ko ay kailangan laro din ang pamagat nito. bola yung kahit ano na pwede ipambato sa kahit ano. dinidribble, sinasalo, shino-shoot. basta bilog at matalbog. pero hindi tungkol sa bola ang kwento ko. pero pwede din, kasi fish balls naman ang ugat ng kwento ko. ball pa din. ngayon ko lang ulit na-enjoy ang fishballs. kanina nakatikim ako ng shrimp balls, yung sa unang tingin ay mukhang kwekwek. pero lasang chicken balls tapos kumain din ako ng chicken balls pati fishballs tapos kwekwek na din dahil kulang yung chicken balls at fish balls at sa huli nag bopis pa ko sa may sta. lucia kasabay ng mga manong. ngayon lang ako ulit nakapag bopis matapos ang isang buwan. ang galing lang kasi simple joy talaga siya. yung feeling na sa palibot mo ay tila impyerno na pero nakatayo ka lang sa tapat ng bopisan at sa bawat kagat ng baga ng kung ano mang hayop yun eh tila nalalasap mo na ang langit. simple joy. grabe pero kahit gaano kasarap ang bopis sa tapat ng sta. lucia, ano naman ang sinabi nun sa saklap ng buhay ng mga bata na sa murang edad eh nagtratrabaho na? matapos namin kumain ni mj ng bopis, nakakita kami ng batang hirap na hirap sa kanyang dalang karton. sabi ni mj tulungan daw namin siya. kaya tinulungan namin. ambigat pala nung dala ng bata. hinatid namin siya sa kung saan ba niya dadalhin yung kumpol ng karton. malamanlaman lang namin na sa kariton sila nakatira at pamamalimos ang kanilang kabuhayan. naawa naman ako at doon ko narealays na maswerte pa pala ang pamilya ko. kahit gaano pa kami naghihikahos sa buhay. habang nasa biyahe, may sumabit na bata sa dyip na sinasakyan namin ni mj. ang payat niya at mukha siyang naglalako ng mani. nakakaawang tingnan lalo pa at kakakita ko pa lang doon sa pamilyang nakatira sa kariton. pagkaupo ng bata siniko ako ni mj at tinuro na yung bata pala ay sumisinghot ng rugby. tinanong ako ni mj kung pagsasabihan ba niya yung bata na tigilan yun. pero sabi ko yan lang yung kanyang hapunan. pero sa totoo lang, di ko alam yung gagawin ko. gusto ko man sabihan yung bata na tigilan niya ang pagsinghot alam ko naman na hihithit at hihithit pa din siya kasi yun na nga lang ang makakapagpabusog sa kanya. wala din naman kasi akong dalang pagkain kanina, ayaw ko din naman siya bigyan ng pera kasi baka sa iba pa niya magamit ang baryang ibibigay ko sa kanya. nakalulungkot kasi wala akong nagawa para sa bata. nalungkot ako kasi may naitulong ako sa batang may dala ng karton at wala naman akong nagawa para sa batang nagru-rugby. kanina, para akong tinamaan ng malupit ng bola. nayanig yung utak ko. sa totoo lang takot ako sa bola kaya noon kapag nagp-pe kami ay iniiwasan ko ito. pero kahit gaano ko pa iwasan ang bola, matatamaan at matatamaan pa din ako. parang kanina, kahit gaano pa ako magbulag-bulagan sa mga pangangailangan ng kapwa ko eh magkaroon pa din ng pagkakataon na hindi ko na maiiwasan ng makita ang katotohanan at gumawa ng paraan para masagip sila kahit sa simpleng paraan lang.
naisip ko lang, buti na lang pala nag bopis kami.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment