naalala ko na minsan akong na-hook sa fairy tales.
at dahil dun, minsan din ay nangarap akong maging prinsesa.
yung maganda na, mabait pa.
higit pa doon, nakukuha ng mga prinsesa ang lahat ng nais nila. at kadalasan mayroon din silang mga fairy god mother. kung hindi man, dwende o mga nagsasalitang kagamitan. kaya masaya ang buhay nila. ah! meron din pala silang gwapong prince charming.
pero gaya ng paglalaro at mga lumang damit, nakalakihan ko ang pangarap na maging prinsesa. ayako na kasi ng gown na pink at takot na ko sa mga engkantong kaibigan nila.
kaya mas ginusto ko maging beauty queen. yung maganda na, matalino pa.
pero hindi pala pwede.
ayon sa merkado ng mundo, hindi ako maganda. at depende pa sa kausap kung matalino ako. kaya parang ang hirap.
kaya tuloy, madaming beses akong kinakain ng insecurities. nilalamon ng kakaisip na hindi ako maganda, hindi ako magaling, hindi ako kahit ano.
pero alam mo yung feeling na kahit gaano mo na tinalikdan ang isang bagay ay babalik at babalik ka lang dito?
matagal-tagal ko ng kinalimutan ang pagkahilig sa fairytales. madami na din akong nakalimutang pangalan.
pero hindi ko maiwasang bumalik sa kanila.
kahit nakalimutan ko na pito ang dwendeng kaibigan ni snow white, kahit na hindi ko pa din alam ang pangalan ng prince charming ni cinderella at ni belle at kahit nakalimutan ko na ang nangyari kay pocahontas pati kay jasmine ang sarap lang nilang balikan.
yung pakiramdam kong prinsesa ako ulit. yung pakiramdam kong kaya kong makipagusap sa hayop kasi mabuti ang kalooban ko. yung makakahanap din ang ako ng prince charming, hindi man ngayon, na gwapo na mabait pa at xempre heredero ng malaking palasyo.
ang sarap lang talagang balikan ang mga bagay na minsan kong kinahiligan.
okay na na hindi ako beauty queen, masaya na akong maging prinsesa.
ang galing lang, dahul dito hoooked ulit ako kay Kristo.
praise God
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment