Sunday, November 30, 2008

si claro reklamo

si claro reklamo ang bida sa isang kwentong hindi ko pa natatapos. sumubok kasi ako dati gumawa ng children's story bilang na-hook ako dito, pero ni isa sa mga sinimulan ko ay walang natapos.

paborito ko ang kwento ni claro. isa kasi siyang batang semi-kal na lahat na lang ng bagay ay rinereklamo niya. hanggang sa nagpakalbo siya (pwede namang magpakalbo pa ang batang semi-kal diba?) at hindi na tumubo pa muli ang buhok niya. skin-head na lang kumbaga. at bilang bata pa siya, hindi niya matanggap na KKK (kalbo kinis kintab, napulot mula sa jologs kong mga kapatid, T_T) na siya. at hindi ko na alam kung ano mangyayari matapos niyan.

noong una, kakausapin dapat siya ni muning (kanilang pusa) na wag na kaikanman magreklamo, tapos magbabago na siya at doon matatapos ang kwento. pero parang ang jologs. kulang pa sa aksyon.

kaya noong naglaon naisip kong patunguhin siya sa miminglandia na tirahan nila muning at doon niya matututunan na wag na umangal. kaso di ko pa lubos maisip ang itsura ng miminglandia at mga pangalan ng iba pang miming sa tagpo. kaya hindi ko na natuloy. at isa pa, baduy kung gawin kong ganun.

hanggang sa hindi ko na talaga natuloy pa ang kwento ni claro. reklamador pa din siya.

ngayong linggo ko na lag ulit naalala si claro. noong first year ko pa kasi siya sinimulan. at dahil hindi ko na siya natuloy, nabaon ko na siya, sabihin na lang natin, sa limot.

pero ang isang karakter gaya ni claro ay mahirap kalimutan. paano kasi ako man ay parang si claro, reklamadora din ako.

madaming panahon sa buhay ko na pakiramdam ko walang nangyayaring tama sa buhay ko. at kung may mangyari man na ayon sa gusto ko, parati pa din akong may nakikitang mali. parang ang hirap kong makuntento.

at sa mga panahong hindi ako kuntento sa kung anong meron ako, reklamo na lang ang solusyon ko. kaya wala akong ginawa kundi umangal. kaya walang nangyayari sa buhay ko.

at ngayon ngayon ko lang naisip na wala akong mapapala sa kakareklamo.

pero ang galing lang. tila ba umaayon ang mundo sa gusto ko. kaninang umaga, naisip ko lang, parang wala na nga akong irereklamo pa.

maayos ang pamilya, masaya ang mga kaibigan ko, maayos ang acads ko, at madami pang ibang mabuting bagay na nangyayari sa buhay ko, ano nga bang iaangal ko pa?

simula noong tumigil akong magreklamo, nawalan nga ako ng irereklamo.

sa huli, wala na talaga akong hihilingan pa.

praise God!

Wednesday, November 26, 2008

pild trip

pild trip ni jevan kahapon. di ko man nakita, pero alam ko kung gaano siya nasasabik sa araw na ito. matagal-tagal na niyang pinaplano kung ano ang mga babaunin niya. makailang beses niyang sinabi sa nanay namin na tinapay daw ang gusto niyang baunin kaya tandang tanda ko ito.

pero sa totoo lang, alam kong mas sabik dito ang nanay ko. paano kasi ay unang beses pa lang niyang masasamahan ang anak niya sa pild trip bilang may trabaho siya noong kabataan naming apat na nauna niyang anak. na minsan pa nga, siya na mismo nagtatanong kay jevan kung anong babaunin nilang dalawa.

hindi ko man nakita, pero alam kong hindi sila makatulog sa sobrang eksaytment.

alam mo yung feeling na di ka makatulog kasi sabik na sabik ka lang talagang magbukas? yung iniimagine mo na kung ano yung mga mangyayari, yung pinaplano mo na yung susuotin mo, yung pinapraktis mo na yung sasabihin mo sa mga tao.

noong nasa siena pa ako, di ako makatulog bago mag-pild trip. iniisip ko na kasi ang mga maaring mangyari. kung magiging masaya ba o, kapag minsang madrama ang utak ko, madidisgrasya ba kami at ma-t-tv. lahat iniisip ko na kasi masaya at inaasahan ko na magkatotoo lahat ng naisip ko.

pero higit sa lahat, hindi ako makatulog kasi alam kong masaya bukas. at sa loob loob ko, hinihiling ko na sana bukas na lang sa oras na ngayon.

hindi ko na nakita si jevan bago siya makasakay ng bus. hindi ko na rin nakita kung ano ang porma ng nanay ko ngayong pers taym niyang sasama sa anak sa pild trip. at hindi ko din natikman ang pasalubong na maaring dala nila galing kung saan man. pero ako, hindi pa din ako makatulog kasi nasasabik na kong makita sila muli.

kaya marahil hindi pa ko makatulog.

ang galing lang. kanina kasi hinihiling ko na sana bukas na at nasusuka na kong makakita ng monitor ng kompyuter. tapos ngayon, kinabukasan na nga! makakauwi na din ako! yehey!

praise God!


Sunday, November 23, 2008

what is love? at iba pang tanong sa otograp book

uso noong greydskul ang magpa-'autograph' sa clasrum. (noong grade5 ko na lang nalaman na slum book pala ang tawag dun) darating si ganito na may dalang notebook na makulay na mukhang pinagpasa-pasahan na ng kung sino-sino. at sa pag buklat mo (isa sa mga) ay bubulaga sayo ang tanong ng bayan na "what is love?". pero higit pa sa tanong na yaon, tinanatanong din dito ang iba pang mga vital information gaya ng name, age, gender, favorite food, favorite color, favorite teacher, favorite grade,favorite christmas carol.... yada yada yada

"love is like a clock that tik-taks in my heart" -sarah b.

yan ang paborito kong sagot sa tanong ng bayan. kaya sa bawat exam sa iskul na tinatanong kung ano ang pagibig, mapa-application man o bonus question sa exam, yan at yan ang aking sagot.

matagal kong inisip kung ano ang saysay ng tanong na "what is love" sa identity ng tao. kung vital nga ba ito gaya ng mga nakasaad sa taas. kung madedefine ba nito ang isang tao. kung magro-grow ba sila as thinking beings. kung mairaraos ba nito ang ekonomiya ng pilipinas... kung ganito kung ganyan kung futze.... hay ewan

parang lahat na lang ng bagay tungkol sa love. ika nga ng marami, its all about love. sa bahay may love, pabahay program may love (pagibig program hehehe), cluster nila joy may love, lahat may love! ultimo mcdo may love! fast food na lang may love pa? ano ba naman yan.

pero ganyan talaga. ika nga ni sir marlon, pag may love, may world peace. kaya mas gusto ko na ang may love kesa wala.

kaya siguro crucial ang tanong na "what is love" kaya hindi siya kailanman nawala sa lahat ng otograp at questionaires. kasi lahat ng bagay tungkol sa love. at marahil malandi lang ang utak ko na kapag sinabing love ay boy-girl relationship kaagad ang naiisip ko (kaya tuloy ajit ako sa mundo).

pero hindi pwedeng ajit ako palagi. nakakapangit at nakakdagdag ng kulubot sa mukha. kaya noong isang gabi, sabi ni God sa akin, "no one can love you more than i do"...

at mula noon, napanatag na ko.

praise God!


Wednesday, November 19, 2008

anak ng pusa!

ngayon, laro ako nang laro ng pet society.

para siyang online tamagochi at pwede ka pang makipaglaro, mang-halik, mang-hug, mang-away atbp sa mga pet ng mga kaibigang may pet society din.

pusa ang hayop ko sa pet society. ang pangalan niya ay charlee bilang sabi ng kaibigan ko na maganda ang pangalang ito... para sa lalaki. kaso babae si charlee! pero hinayaan ko na lang, okay na yun. bagay naman sa kanya.

araw araw ko siyang linalaro, paano kasi kapag hindi ko siya binisita kahit isang araw lang eh, siya naman ang bibisitahin ng langaw dahil mabaho na siya.

naalala ko noon na minsan isang gabi akong di umuwi sa bahay, pagbukas ko ng pet society ay linalangaw na at mukhang matamlay si charlee! kaya mula noon, sumumpa ako na araw araw ko ng bibisitahin si charlee.

at ganun na nga ang nangyari. hindi lumampas ang isang araw na hindi ko siya binisita. at kung meron man, sinisigurado kong ibinibilin ko siya sa aking mga kaibigan na paliguan at pakainin.

wiling wili ako sa laro na hindi lang ako nag natutuwa dito. pati mga kapatid ko ay nawili na rin. si beatrice (pangatlo, 11 y/o) ay gumawa na ng facebook account niya para makapaglaro, ganun din si jolo (pangapat, 10 y/o). heto naman itong si jevan (bunso, 4 y/o) na gusto na din magkafacebook para makapaglaro. pero sabi namin hindi pa pwede kasi bata pa siya. bola pa nga namin na kapag 5 years old na lang at saka.

minsan nakwento ni mama na nakitingin daw sa salamin si jevan at naiinis sa mukha niya. tanong ni mama kung bakit at ang sagot lang ni jeven, "kasi ang panget panget ko, kasi bata pa ko, gusto ko na tumanda". nagtanong ulit si mama kung bakit nagdradrama yung bata. sagot ni jevan, "kasi gusto ko na maglaro ng pet society" at natawa na lang si mama, pati ako nung kinuwento niya sakin.

pero hindi nagtagal nang makahawak si jevan ng pet society.

paguwi ko kanina, bumungad sa akin ang balita na binuksan daw ni jevan ang pet society ko. hindi ako naniwala nung una bilang 4 y/o pa naman si jevan at kampante ako sa siguridad ng facebook account ko.

but no! pagbukas ko ng pet society ko kanina, aba eh iba na ang get-up ni charlee! ayos lang kasi okay naman yung porma. pero pagbukas ko ng chest ni charlee para tingnan ang gamit ng pusa, aba ANAK NG PUSA! ang dami dami dami dami dami daming pagkain!!!

sa pet society may bayad ang pagkain, at mukhang naggrocery si jevan kanina para ke charlee. binilhan ba naman niya ng madaming inumin yung pusa. kaya pala pagbalik ko eh 700 na lang ang pera ni charlee, pero pagalis ko kagabi eh nasa 900 yata yun.

siyempre hindi ko pinalampas ang pagkakataon,nagiipon kasi ako para sa bath tub tapos gagastusin lang ni jevan para sa gatas! hindi pwede!

kaya nagsusumigaw ako kanina sa tapat ng kompyuter hanggang sa naiyak siya. nahabag naman ako kaya sabi ko okay lang. tapos tinanong ko kung bakit niya ginawa iyon. sabi niya, "kasi ayaw ko magutom siya...."

at mula noon, naintindihan ko na..

parang love ni God.

minsan may mga nangyayari na hindi natin gusto. pero sa huli, para pala sa ikabubuti natin.

praise God!

Sunday, November 16, 2008

BLOG... ang tunog ng kung ano

BLOG ang tunog ng kahit anong mabigat na nakakatama sa isang bagay na matigas. (e.g. tunog ng pusa kapag nahulog sa bubong, tunog ng tsinelas na binato sa tumbang preso, tunog ng diksyonari na binato sa natutulog na istudyante). nakakapanggulat kasi malakas ang tunog kaya nakakapanggising talaga.

BLOG ang kung ano mang nakakapanggising.

kahapon, naglalaro ng bola ang mga kapatid ko. at bwisit na bwisit ako sa malakas na BLOGBLOGBLOG ng bola sa sahig namin. kaya imbes na makapagpahinga (dahil papikit na ang mga mata ko sa pagod) ako ay nauwi na lang sa paglalaro na lang ng kompyuter.

at habang nasa tapat ng kompyuter, napaisip ako, saan nga ba ako hooked ngayon? (paano kasi tapos na ko mahook sa fairy tales, babol gam, jet man, sailormoon atbp) tanong kasi yan noong household namin sa pasig, kahapon lang din. at himala dahil wala akong masagot!

sagot ko, hooked ako sa pagsasalita. pero sa loob loob ko, hindi yun eh. mali yun. kaya buong gabi ko din siyang inisip. hanggang sa paggising ko kaninang tanghali at hanggang ngayon na nagtatype ako sa kompyuter. saan nga ba talaga ako hooked?

at sa wakas! isang malaking BLOG, tinamaan ang matigas kong ulo ng mabigat ng mensahe ni God.

sa ngayon, malabo pa ang lahat. marahil kasi hinhimas ko pa yung ulo ko dahil medyo malakas ang tama sakin ni papa God. oo masakit, malamang malakas eeh, pero ganyan talaga. gaya nga ng sabi nila, masarap ang feling ng pasang pagaling na.

basta ang alam ko, sabi niya "bianca, sakin ka muna ma-hook ha?"

at susubukan kong para sa kanya lang muna ako.

praise God!

Friday, November 14, 2008

HHWW

dalawa lang naman ayun eh.i kung hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng "HHWW", either bata ka pa masyado at di mo na naabutan ang kasikatan ng paga-akronym ng mga bagay-bagay, o matanda ka naman at iba ang uso noong kabataan mo.

noong bata pa kami, halos lahat may akronym. merong NIPS (not in proper seat), JAPAN (just always pray at night), ITALY (I trust and love you), CANDY (cute and nice dats you), HHWW (holding hands while walking) at madami pa.

sa mga girls noong kabataan ko, sikat ka kapag may ka-HHWW ka na boy. kasi ibig sabihin, maganda ka at may may crush sayo.

sa kasawiang palad, wala akong ka-HHWW noong kasikatan nito. nung tumanda na lang ako at saka. at sa babae pa ha (bilang mahilig kaming mag-HHWWPSSP sa berkada).

malandi na kung malandi, pero gusto ko ang pakiramdam ng may ka-HHWW. masarap yung pakiramdam na alam mong may kasama ka. at dahil hawak ka nila sa kamay, parang hindi na sila kailanman bibitaw. masarap magkaron ng kasama at kadaplisan ng palad.

pero mali ang isipin na hindi na sila kailanman bibitaw. dahil walang bagay na ganun. sisihin mo ang gravity. lahat ay nahihila pababa, palayo at hanggang sa mawala na ng tuluyan. hindi forever ang HHWW.

sa ngayon, wala akong gustong pagabutan ng aking kamay. malamang siguro na praning pa din ako mula sa mga lokong bumitiw na. at, oo na sige na, takot pa ko masaktan. pero higit pa dun, hindi pa ko handa. mamasa-masa pa din kasi ang kamay ko dahil sa pasma. saka na lang pag maganda na ulit ang aking mga kamay.

kaya wala munag HHWW at sabihan ng ITALY at CANDY. dahil ang kamay ko ay para lang muna sa Diyos.

praise God!

Wednesday, November 5, 2008

mic test

tadtad ng program ang siena noong gradeschool ako (hindi lang yun, hanggang sa pagraduweyt ko pa) at sa lingguhang programa ay laging may chever si kuya chuva sa gilid ng stage. palagi siyang nagsa-sound check at sa tuwing ginagawa niya iyon, hihirit kaming magka-klase na "o mike labas ka na!" o "tess magpakita ka na" wala naman kaming kaklaseng mike, michael meron, at lalong wala kaming kakilalang tess pero gusto lang namin humirit. korni kung korni pero ganyan talaga.

malamang siguro sop ng mga kuya na bago mag-program ay mag "mic-test". para masigurado na sa oras na gagamitin na ang mikropono, eh walang palya, walang mali, swabe kumbaga.

kaya laking salamat ng maraming-maraming taong nakapagtanghal na sa entablado ng siena college sa mga kuyang nagsa-sound check. dahil sa kanila, pulido ang kanilang mga pag-akting.

bihira lamang ako magtanghal sa entablado noon. kaya laking bilib ko sa mga nilalang na kayang tiisin ang madaming matang nakatitig sa bawat galaw nila sa tuwing naandoon sila sa istage.

nakakatakot ang ganoong feeling. yung pakiramdam na lahat ng tao ay sinusundan ang bawat galaw mo parang tuloy wala ka ng pribadong buhay sa oras na iyon.

sa totoo lang, hindi naman nakakatakot ang stage (kaya ano pa ang silbi ng stage fright) dahil hindi naman nangangain ang kahoy, ply wood, bato, tiles o semento. ang nakakatakot ay ang madaming madaming sumusubaybay sa nagtatanghal. sila na nakakakita ng lahat-lahat.

lahat-lahat pati mga pagkakamali. marahil, at hindi lang marahil dahil malamang nga, yun ang pinaka dahilan ng lahat ng kinatatakutan sa pagtapak sa entablado. yung magkamali.

nakakatakot na baka magmali ng nota, baka magkamali ng sasabihin, baka makalimutan ang susunod na linya. maraming pangamba sa maraming pagkakataon.

pero nakakatuwa lang. hindi pa man nagsisimula ang programa eh may mga nagtitiyak na hindi ka magkakamali. kaya nga marahil nag-mi-mic-test sila kuya para masigurado na walang palya ang pagtatanghal. sila na mismo ang sumubok kung ayos na nga ba ang lahat at kung pepwede na sumalang ng entablado ang tagapagtanghal.

hindi pa man nagsisimula ang programa, may nanigurado na na magiging maayos ang lahat.

parang love ni God. hindi pa man nagsisimula ang kung ano man ay sinisigurado na niya ako na magiging maayos ang lahat. at hindi lang maayos, bongga pa kumbaga.

at dahil sa love na ito, hinding hindi na ko malalayo pa sa kanya.

hooked ako kay kristo. :)

praise God!