Saturday, February 28, 2009

PAULIT-ULIT-ulit at kung bakit makulit ang batang makulit

ang kulit ni lola nanday.

wala nang mas kukulit pa.

kanina, makailang beses niyang tinanong sakin kung nainom na ba niya ang kanyang gamot. makailang beses din akong sumagot ng "opo lola, mamaya na pong alas-nuebe ulit." sabay balik sa binabasang libro at umaasang tatapikin niya ako ulit matapos ang ilang minuto.

kahapon naman, pauli-ulit niyang tinanong kung alam ko ba daw ang daan pauwi. at sa tuwing tanong niya, sumasagot naman ako ng "opo". siguro, naka-tatlong tanong siya hanggang sa dumating na ang pedicab sa tapat ng bahay nina tita.

kwento naman ni paula, kinulit siya ni lola ng kakatanong kung anak ba talaga siya ni ni tita chatty, maputi daw kasi masyado si pau para maging anak ni tita. dagdag pa niya sa akin "ang hyper talaga ni lola".

ito at marami pang iba, paulit-ulit si lola sa kanyang mga sinasabi.

at pauli-ulit din naman kaming nakikinig.

kung tutuusin, parang bata si lola. napakakulit. naaalala ko sa kanya si , liban kay mang romy na unang pumasok sa isip ko nung mamataan ang kakulitan ni lola, jevan. parehas silang makulit.

kapag nasa bahay ako, paulit-ulit sinasabi ni jevan na miss na daw niya ako. paulit-ulit niyang sinasabi ang kanyang mga gusto. paulit-ulit niyang sinasabi ang kung anu-ano. kaya siguro madali kong maalala.

siguro nga. kaya sila makulit, higit pa kasi nakalimutan nila na sinabi na nila, pero para maalala natin. para hindi makalimutan. para tumatak sa isipan.

makulit si lola.

at kahit ngayon ko lang siya nakita ulit, di ko siya makakalimutan.

praise God.

Saturday, February 21, 2009

GAAAAAHHHRRRR!!!!! at kung ano ano pang pagputok ng buchi

ayokong ayokong nagagalit.

nakakapangit, di lang ng mukha pati na din ng ugali.

nalaman ko kasi noong hayskul, walang magagawa ang pagalit kasi wala naman silang pakialam sakin.

minsan nagalit ako sa mga ka-grupo ko sa dula namin pero walang naganap. parang wala lang nangyari. wala man lang akong narinig na sorry.

kaya mula noon, alam kong walang magagawa ang pagsigaw, pagtaas ng boses at pag-walk-out dahil tumatak na sa isip ko na walang pakialam sakin ang mundo. walang pakialam ang mundo kung nasasaktan na ako nito.

ayokong nagagalit. kaya marahil dito ko na lang ilalagay ang lahat ng sama ng loob ko.

walang pakialam sakin ang mundo!
walang galang!
walang modo!

gaaahhhrrr!

hay

Wednesday, February 18, 2009

THE TUKO CHRONICLES 2: madaming creature sa bahay and beyond!

hindi lang tuko ang panganib sa buhay ko ngayon, maski ipis, daga at butiki jumujoin na din!

nakakapagtaka pero mas madaming daga sa bahay kaysa ipis.

oras-oras may naririnig akong plastik na yun pala ay ginagapangan na ng daga. o kaya naman ay nahanap na ni mousy ang tinapon kong balat ng fita. minsan pa nga, pagbukas ko ng drower ah may lumabas na daga na halos gapangan ang braso ko.

kadiri.

pero mas karimarimarim yung minsang nahigaan ko yung daga na nasa ilalim ng unan ko. yak lang talaga.

kadiring kadiri lang talaga.

pero higit pa sa bahay namin na pinupugaran na ng daga (pati na din ng langgam, tuko at ahas), mas matindi pa din sa opis.

doon naman,madaming butiki. matatabang butiki.

sa dami eh nagugulat na lang kami at dalawa-dalawa sila kung mahulog galing kisame. kanina nga si roni eh muntik nangmahulugan ng mga butiki.

baka nga tama si aprille, lumalanding ang mga butiki pagsapit ng alas sais. alas sais na din halos nung nangyari yun.

higit pa sa matatabang butiki na lumalanding sa opis eh madami ding ipis na pagapang-gapang sa sahig.

sakatunayan eh kinagat pa nga nito ang aking kaliwang mata! ganoon sila kasama! gawin ba namang ulam ang aking talukap.

ganoon na talaga karumaldumal ang mga kaganapan sa mundo.

kung dati, nakakapagod lang, ngayon nakakadiri na.

grabe lang talaga.

pero praise God pa din.

hay

Friday, February 13, 2009

what is love? at kung bakit nga ba siya blind at full of mystery or not

12:52.

balentayms na nga.

mamaya ay may balentayms parti kami kaya marahil nawalan na din ako ng gana magbitter dahil walang nagaaya ng deyt sakin. at ngayon ay puno na naman ng bulak ang aking kokote at naghahanap na ng unan at mahihigaan.

wala na talaga akong oras para sa pagibig, o kung ano ang persepsyon ko dati ng pagibig.

ngayon, ang oras ko ay nahahati sa pagbyahe, pagaral, paglapat ng dyaryo, paglakad at pagtulog o pagnasang makatulog. sa bilis ng mga kaganapan, huli na ng malaman ko ng pebrero na pala. siguro kung hindi dahil sa naglipanang nagbebenta ng bulaklak at lobo ay hindi ko mamamalayang pebrero na.

kasing bulag ko nga marahil ang pagibig. lab is blind ika nga. sa sobrang pagbigay ko ng pansin sa maraming bagay na nagaganap sa buhay ko, hindi ko na nakikita ang ilang bagay na nagaganap na mahalaga pala para sa akin. dahil sa dami ng nangyayari, madaming bagay akong nakakalimutan.

at hindi na ito nakapagtataka. kung meron akong pinagtatakhan ay yung gaano kabilis ang panahon.

parang kahapon lang nung maglapat ako ng isyu 21, tapos ngayon lumabas na ang isyu 24 nang hindi ko man lamang namalayan. hindi ko na naiintaindihan ang mga nangyayari kahit pa nakikita ko sila.

parang lab, full of mystery. dami daming nangyayari na hindi na natatanto ng pagod na isip.

wala na talaga. sa ilang letra pang ita-tayp ko ay zombi na ako. sadyang kasabawan na lang talaga ang mababasa ninyo sa iilan pang mga linya.

what is love?

ewan ko na lang. basta alam ko hindi siya blind at full of mystery.

1:20.

ZZzzz

Sunday, February 8, 2009

magic lampin

grabe lang talaga ang sakit ng tiyan ko.

hindi ko alam kung may nakain ba ako o ano. tapos naman na ako tumae kaya laking taka ko kung bakit masakit pa din. grabe lang talaga, kung pwede lang hugutin ang sikmura.

dahil sa sobrang sakit, binilinan ko si mama na talian ako ng magic lampin sa bewang.

mula pagkabata, naniniwala ako sa healing power ng magic lampin. kapag masakit ang ulo ko, bebendahan ako kagad ni mama sa may noo. kapag may kabag, sa may tyan na man ipupulupot si lampin. kapag masakit ang braso, itatali sa braso. pag paa, sa paa. pag sa ngipin, sa may ngipin. sa kahit anong sakit, magic lampin lang ang katapat.

at hindi pa kailanman pumalya ang magic lampin.

napagaling niya ang kahit anong karamdaman ko. matutulog lang ako na may may benda sa kung saan, kinabukasan sa paggising ko, wala na ang sakit. magic na magic diba? wala nang tanong-tanong, magic lampin ang sagot sa kahit anong kirot.

pero may mga bagay na hindi maaring talian ng lampin. at kung maari man, ay wa epek ang healing powers nito.

hindi pwedeng talian ng lampin ang puso para patahanin ang pagluha nito. hindi kasi madaling manggilit ng dibdib para lang mabendahan ang tumitibok na laman loob sa pagasang tumigil na ang pagkirot nito.

hindi rin pwedeng bendahan ang mukha sa pagasang gumanda sa pagsikat ng bukas. kasi ang pangit sa mata ng mundo, pangit magpakailanman. pasensyahan na lang. magulo kasi ang konsepto ng kagandahan dito.

lalong hindi pwedeng puluputan ng lampin ang utak. mas mahirap kasi bumasag ng bungo sa pagasang kapag mabendahan ang utak ay magbabago na ang pananaw sa buhay. aminin na natin sa hindi, mas masarap magpakalunod sa kadramahan.

masarap lumangoy sa luha at habag.

pero nakakalunod din madalas. wala kasing mangsasagip bilang karamihan ng mga nilalang ay abala sa paglangoy sa sarili nilang lawa ng awa.

sa wakas, dumating na din yung magic lampin. mainit-init pa galing plantsahan. agadko itong tinali sa aking tiyan, umaasang bukas paggising ko, mawala na ang kirot ng tiyan.

umaasa din ako na sa paggising ko, maganda na ako kahit pa alam kong niloloko ko lang ang sarili ko.

hay

pero sa likod ng lahat ng kadramahan, salamat pa din sa Diyos. dahil kung hindi man ako gumanda bukas, gagaan naman ang loob ko kahit papano.




sana mabasa niyo din ang akda bago nito...




Friday, February 6, 2009

may dwende sa unan ni jojo!*

baka nga may kalarong dwende si jojo.

sabi kasi dun sa nabasa ko, may dwendeng kalaro din ang kapatid niya.

palaging may kausap, palaging nakatingin sa kawalan, palaging tumatawa magisa. baka nga, ika ni ginny na bida sa kwento, may kaibigan dwende ang kapatid niyang si caloy kaya ganun kung umasta. mas gusto pa yata ni caloy na kalaro at kausap yung dwende kaysa sa kanya.

naisip ko, ganun din si jojo. ganung-ganun din! palaging nakatingin sa kawalan. palaging may kausap kahit wala. palaging tumatawa magisa. baka nga may kaibigan dwende si jojo.

hindi lang yun, palagi niyang pinupulupot yung bangs nia, palagi niyang binubuksan ang mga gripo sa bahay, palagi siyang tumatakbo, palagi siyang oihikan sa pagkain. baka lahat ng ito ay utos ng kaibigan niyang dwende.

ika ni ginny, otisem ang pangalan ng dwende ni caloy.

otisem din ang dwende ni jojo.

dahil kay otisem, paulit-ulit na binubuksan ni jojo ang mga gripo sa bahay. dahil kay otisem, halos mapanot na si jojo sa kakapulupot ng kanyang bangs. dahil kay otisem, tumatae si jojo sa kanyang brip tuwing wala sa bahay si mama.

minsan, naaawa ako sa kapatid ko. kapag gabi nakikita ko siyang naglalaro ng mga laruan niya naluluha na lang ako. naiisip ko, paano kaya kung hindi siya autistic.

siguro, kung hindi siya autistic, nasa kolehiyo na din siya, sabay kaming papasok tuwing umaga, sabay din kaming uuwi. siguro, lider na din siya sa yfl kung magkaganoon. o kaya naman siguro ay may nililigawan na siya at mamalditahan ko lang kung sino man yun bilang magseselos talaga ako ng todo. siguro ibang-iba ang buhay namin kung hindi siya autistic. malayo sa kung ano ang meron kami ngayon.

madaming beses din naman na, sa halip na mahabag ako sa kondisyon ni jojo, napipikon ako sa kanya. lalo na tuwing binabaklas niya ang kamera ko, tuwing kumakaripas siya ng takbo papuntang tindahan para kumuha ng kendi, tuwing susulatan niya ang likod ng notebook ko ng 'zaido', 'paloma', 'saksi' atbp at sa marami pang bagay. minsan,mahirap lang talaga mahalin ang isang tulad ni jojo.

palaging sinasabi ni mama na blessing samin si jojo. minsan nahihirapan lang talaga akong makita iyon pero naniniwala naman ako.

siguro, kung hindi dahil kay jojo, hindi ako matutong magtago ng mga gamit. dahil kay jojo, natuto akong siguraduhin na palaging nakasara ang gate para hindi siya matakbo papuntang tindahan para dumukot ng kendi. dahil kay jojo, natuto akong magmahal ng kapatid hindi dahil nauutusan ko siya o ano man o dahil special child siya, pero dahil kapatid ko siya at sapat na iyon.

kanina kausap na naman ni jojo ang kanyang unan. baka kausap niya ung dwende niyang kaibigan.

madalas-dalas na nakahiga na lang si jojo sa kama ngayon. tila ba walang gana sa buhay. madalas din siyang matamlay. hindi ko alam kung ano nangyayari sa kanya. di naman kasi siya nagsasabi. pero dahil dito, mas napapamahal sa akin si jojo. mas gusto kong tabihan siya para maramdaman ko kung sakali mang may sakit siya. mas gusto kong umuwi sa bahay dahil baka hinahanap na niya ako at hindi na naman siya mapakali. mas gusto kong yakapin siya palagi para lang masabi na mahal na mahal ko siya.

sana nga lang naiintindihan niya iyon. kung hindi man, sana nakikita ito gn dwende sa unan ni jojo. sana ibulong ng dwende sa kanya na mahal na mahal ko ang kapatid ko.

at sa lahat lahat, salamat pa din sa Diyos

*pasintabi kay lara saguisag

Tuesday, February 3, 2009

anak ng tapa!

ika nga ni prach, lapitin kami ng tapa.

sa halos lahat ng all-nighter namin sa grupo, parang palaging tapa ang aming almusal. kaya busog na busog kami halos buong araw. na tamang-tama lang sa dami ng ginagawa namin ngayon.

at kapag sinabi kong madami kaming ginagawa, seryosong madami kaming ginagawa na umaabot sa punto na hindi na kami nakakapag-sipilyo.

biro lang. nakakapag-sipilyo pa naman. pero gets? ang dami-dami-dami-dami-daming ginagawa na dun ko na siya mahahalintulad.

parang kahapon, inikot koang buong cubao kasama sina nadz at uds.

tapos tumambay sa gateway kasama nina pao at tish (pero hindi lang basta tambay, nagusap din naman kami tungkol sa project namin).

tapos dumirecho kina nadz para sa all-nighter.

nagbrainstorm.

pumunta ng coffee bean para mag-internet.

bumalik sa danarra.

nagbrainstorm ulit.

nakatulog.

kumain ng tapa.

nagbrainstorm pa din.

pumunta ng divisoria at nakipagsapalaran sa lugar na kung saan hindi namin sigurado kung lupa pa nga ba ang tinatapakan namin o tae na ba dahil sa baho para lang makabili ng pampatigas ng cap.

bumalik ng up.

sinilip yung exhibit.

dumaan ng kule.

naghintay ng male-layout.

pumasok sa klase ni sir marlon at napagsabihan dahil sa kadal-dalan.
dumaan ulit ng kule.

naghintay na naman ng male-layout.

umuwi ng sawi bilang wala pang nalapat na kahit ano sa dyaryo dahil bukas pa matatapos ang karamihan sa mga artikel.

tinawagan si tito jun.

nakausap si tita joy.

bumili ng choco shake bilang pampa-lubag loob sa napakanakakapagod na araw.

naglakad pauwi.

naginternet.

nagblog tungkol sa napakanakakapagod na araw gaya sa nababasa ninyo sa itaas na tila ba puro reklamo na lang pero hindi dahil masaya ako sa dami ng ginagawa si nga seryoso.

pero oo. masaya ako sa kahagarang nararamdaman ko nagyon. tinutulungan nito akong makalimot.

nakakatuwa lang isipin na dati balak ko para sa buwan ng pebrero ay pulos tungkol sa love na lang ang iboblog ko. pero hindi. sa halip, tungkol sa kahagaran ng buhay ko na ikinatutuwa ko pa. at laking salamat ko sa Diyos para sa mga kaibigang karamay sa lahat ng kahagaran.

anak ng tapa nga naman o.

praise God!