hanggang ngayon ay amoy isda pa din ang mga pantalon ko.
galing kasi kaming palengke kaninang umaga at dahil kakauwi ko pa lang din galing ng paaralan,hindi pa muna ako nagpalit ng damit. eksayted kasi akong i-tayp itong kwento ko.
may nabasa kasi akong kwento tungkol sa isang lalaking kakawala pa lang ng ngipin niya,kung hindi ako nagkakamali,sa harap. kwento pa nga niya na ramdam na ramdam niya ang pagkawala nito bilang nakakapa pa niya ang butas na iniwan ng ngipin niya.
minsan, kwento pa niya, habang nakasakay ng jip pauwi na napagisip-isip niya na lahat ng tao ay may kakulangan sa buhay. sa iba, pera; sa iba, pagmamahal; yung iba salat sa pagkain; ilan naman, sa edukasyon; at sa kanya naman, marahil may ilan din siguro, ngipin.
nakalimutan ko na kung paano natapos yung kwento niya, pero madami akong karunugang nakuha.
palaging may hinahanap ang tao bilang sa palagay niya ay madami pa ding kulang sa buhay niya. kahit pa na matapos ang ilang araw ay mapupunuan ang kakulangang ito, bukas makalawa naman ay maghahanap na naman siya ng bagong hahanapin.
palagi tayong naghahanap kahit pa ang hinahanap ay nasa harapan na natin.
ang alam ko, may ngipin na ulit ung nagsulat ng kwento. at hindi na din mabaho ang pantalon ko bilang nagpalit na ako. nakakarefresh nga naman.
praise God!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment