hindi nga seryoso.
may malaking tuko sa bahay, dalawa pa nga yata sila, at tila ba mac-arthur kung umapir at dumisapir sa kusina sa likod ng bahay.
kaya medyo nahuli ang pagsaing ko ngayong umaga. hinintay ko kasi umalis yung tuko.
eh hindi umalis, ginising ko pa tuloy si jolo, aking nakababatang kapatid, para paalisin yung tuko. at sa wakas ay nawala na rin, sana magpakailanman na kahit alam kong hindi.
hay. sa totoo lang ay hindi naman ako gigising ng pagkaaga-aga para magluto ng agahan at pambaon ng mga kapatid ko. nasa bagiuo kasi ang aming mga magulang at wala tuloy akong magawa kundi humalili sa kanila.
bilin ni mami, habang hinihintay ko ang sinaing ay buksan ang kompyuter para magising. alam kasi niya na napaka-antukin ko lalo pa at puyat na puyat ako nitong linggo.
hell week kasi.
dati rati, wala akong konsepto ng hell week. hindi ko rin alam kung bakit, baka mababait lang ang mga guro ko noon, o magagaan lang ang mga gawain noon, o mas mahahaba ang araw noon. hindi ko masasabi. baka nga mas umikli na lang ang oras kada araw ngayon.
baka nga sa loob ng isang araw, sa halip na 24 oras ay 20 oras na lang. baka nga 16 lang eh.
pero ganyan talaga. tila ba umiikli ang araw sa dami ng ginagawa o dapat gawin. at hindi lang ako ang haggard. karamay ko ang sanlibutan!
halimbawa, sa kule opis, madalas na hindi sinasadya na lumabas sa bibig nga mga tao na may exam pa sila,may paper pa, may report pa. hindi sa pagrereklamo, kahit minsan ay ganun ang dating, pero bilang paalala na may iba pa silang gagawin liban sa press work. kaya pati ako sasabat na "ako nga may 2 pre-thesis, 1 docu, 1 product presentation, 2 exam, 1 story board... ile-layout pa yang dyaryo!!! bilisan mo diyan sa artikel mo! hehe. tutungo pa ko ng fairview para mag-edit ng bidyo! biliiiiiis". kumabaga yabangan ng ikedyul ito ate!
kahit pa sa fa ay halos mamatay-matay na kami. bilang kami rin naman ang magkakagrupo sa 2 pre-thesis, docu, product presentation at story board. sabi nga ni nadz, maghuhukay na daw siya ng libingan niya. sagot ko naman, sabay ako. pero hanggang sa ngayon hindi namin magawang maghukay, kahit nga ang paghanap ng malilibingan ay hindi namin mabigyang oras.
basta ang dami-dami-daming nangyari nitong linggong ito. kaya marahil pagod na pagod kaming lahat.
imagine, nung lunes, nag-edit kami ng bidyo pagkatapos ay may miting sa ffl opis nung gabi. kinabukasan, pumunta kami ng quiapo para magpatahi ng projekt. at napaka-nakamamatay lang nung lakad na yun. at nung kingabihan ay hinintay dumating yung mga artikel, pero hindi pa din nalapat bilang madami pa ding hindi dumating, at tumuloy kina mico para mag-edit ulit ng bidyo. tapos bumoto sa crsrs at buong gabing naglapat ng dyaryo nung sumunod na araw. at pagdating ng huwebes, nagkaroon ako ng napaka-nakakamoteng eksam at nagamote ako ng tuluyan, nawalan ng 100 pesos, nagcover ng artikel, nagmiting, at nakauwi ng medyo maaga-aga. at kahapon, may product presentation na hinaggard ko yung paper bilang naiwan ko kasi sa bahay tapos nagsulat ng artikel na inabot ng medyo gabi sa kahihintay ng resulta ng botohan.
at inaasahan kong makapagpahinga ngayong araw. kahit makabawi lang ng tulog.
pero madami pa ding gagawin.
gaya ng, sasabihin ko hindi para magreklamo pero bilang paalala lang sa akin kung sakali mang makalimutan ko, artwork para sa exhibit, reviewer para sa tfa21, household sa linggo at baka service meeting sa cluster o service team reco na hindi ko pa alam kung alin sa dalawa ang pupuntahan na parehas sa linggo ng hapon magaganap.
sabihin ko mang nasa bahay lang ako ngayong araw ay hindi pa din mawawala na madami pa ding dapat gawin. at kahit sa papikit ko ay pilit nila akong minumulto. hay.
parang yung tuko na alam kong nagtatago lang sa likod ng tubo. aapir din siya ulit maya-maya.
pero praise God pa din :)
Friday, January 30, 2009
Monday, January 26, 2009
KUNG HEI FAT CHOI! o kung gaano ko mas gusto ang chinese new year kesa new year atbp.
hindi dahil sa intsik ako, o dahil panatiko ako ng chinese zodiac, o dahil suki ako sa binondo, o kung ano man (na ni isa sa tatlong nabanggit ay walang totoo) pero ganyan lang talaga.
para sa akin wala itong ikinaiba sa new year ng january 1.
parehas naman silang tig-bente kwatro oras at parehas naman may araw at may gabi. parehas lang naman sila ng iba pang mga araw, nataon nga lang na itong mga araw na ito ang nagmamarka ng pagtatapos at pagsisimula ng taon. liban diyan, wala namang bago.
medyo mas napupusuan ko lang ang chinese new year.
wala kasing gaanong nagpapaputok.
siguro sa may china town, pero kebs. ang akin lang, tahimik ang mundo ko.
sa totoo lang, at inulit ko na naman, wala namang pinagkaiba ang bagong taon, mapa-intsik o hindi, sa iba pang araw sa kalendaryo. nauna lang sila pero liban dun wala naman talaga.
naniniwala kasi ako na hindi kailangan ng bagong taon para sa mga bagong bagay.
dahil ang bawat bukas ay bagong araw para sa mga bagong bagay.
praise God!

Saturday, January 24, 2009
pers lab
sabi nila, "hindi mo lang talaga maipagpapalit ang pers lab mo..."
pilit kong inaalala kung meron ba akong "childhood sweet heart", yung kapit-bahay na kalaro araw-araw, o yung clasmeyt nung kinder na palaging nangaasar, o yung anak ng ninong o ninang na pilit binibida para matuloy ang kumarehan at kumparehan nila.
pero parang wala.
hindi kasi ako lumalabas ng bahay noong kabataan ko, at yung klasmeyt kong palaging nangaasar ay kabarkada ko ngayon at hindi ko na muli nakita yung anak ni ninang, kaya marahil, wala akong kwentong pers lab. yung cliche na pers lab ha?
gayunpaman, hindi dahil sa kakulangan ko sa pers lab kaya ako bitter sa pagibig. sa halip, bitter ako sa mga lokong nagpapaasa. yung mga lokong kahapon ang saya niyo lang talaga tapos biglang kinabukasan ay wala na hindi na nag-iimikan.
kaya tuloy naisip ko, sana pala nagkaroon ako ng pers lab, yung cliche na pers lab. kung magkaganoon man, di sana hindi ko na lang siya pinansin at hindi ako malulungkot.
hay

step? no... step? yes!
dapat lang yes.
hindi kasi ako magaling magpiko, gaya nga ng sinasabi ko dati pa, lampa kasi ako. kaya hanggang step no step yes lang ang nilalaro ko.
kapag natapakan ang linya, no at iba naman ang titira. kapag hindi, yes at tuloy ang laro.
ayakong matapos ang laro ko, kaya yes dapat. malay ko ba kapag nagkamali ako at mag-no edi iba na ang titira. eh panu kung hindi na ako makatira uli? edi magdurusa na ko nun. kaya yes dapat. yes lang.
parang sa crsrs. hindi natin masasabi kung ano ang mga mangyayari kapag no. mainam na na dun na lang tayo sa dati, sa nakasanyan na. kaya yes sa sr ako.
mahirap na, baka may mangyaring hindi inaasahan.

Wednesday, January 14, 2009
all-i-want-for-christmas-is-my-two-front-tooth at kung ano ano pang kwento
hanggang ngayon ay amoy isda pa din ang mga pantalon ko.
galing kasi kaming palengke kaninang umaga at dahil kakauwi ko pa lang din galing ng paaralan,hindi pa muna ako nagpalit ng damit. eksayted kasi akong i-tayp itong kwento ko.
may nabasa kasi akong kwento tungkol sa isang lalaking kakawala pa lang ng ngipin niya,kung hindi ako nagkakamali,sa harap. kwento pa nga niya na ramdam na ramdam niya ang pagkawala nito bilang nakakapa pa niya ang butas na iniwan ng ngipin niya.
minsan, kwento pa niya, habang nakasakay ng jip pauwi na napagisip-isip niya na lahat ng tao ay may kakulangan sa buhay. sa iba, pera; sa iba, pagmamahal; yung iba salat sa pagkain; ilan naman, sa edukasyon; at sa kanya naman, marahil may ilan din siguro, ngipin.
nakalimutan ko na kung paano natapos yung kwento niya, pero madami akong karunugang nakuha.
palaging may hinahanap ang tao bilang sa palagay niya ay madami pa ding kulang sa buhay niya. kahit pa na matapos ang ilang araw ay mapupunuan ang kakulangang ito, bukas makalawa naman ay maghahanap na naman siya ng bagong hahanapin.
palagi tayong naghahanap kahit pa ang hinahanap ay nasa harapan na natin.
ang alam ko, may ngipin na ulit ung nagsulat ng kwento. at hindi na din mabaho ang pantalon ko bilang nagpalit na ako. nakakarefresh nga naman.

Sunday, January 11, 2009
bata pa lang ulyanin na: kumpisal ng kelangan ng mag-supplements
makakalimutin lang talaga ako.
parang kapag bago matulog na nakakalimutan kong magtoothbrush. o kaya naman ay kapag bago umalis ng bahay ay nakakaligtaang dalhin ang pinagpuyatang asaynment. minsan pa nga pati mga nagdaang araw ay di ko na naaalala, malaman laman ko lang na linggo na pala.
hindi ko naman sinasadya pero nakakalimutan ko lang talaga.
alam ko naman na kailangang magsipilyo dahil kung hindi mabubulok ang ngipin ko. alam ko din naman na babarilin ako ng prof kapag hindi ako nagpasa ng asaynment. at alam ko din na sa isang linggo, may pitong araw; sa isang araw, may dalawampu't apat na oras; sa isang oras, may animnapung minuto; sa isang minuto, may animnapung segundo, at ang isang segundo ay kasingtagal ng pagbigkas ng 'wantawsanwan' o 'wantawsantu'... kaya hindi ko alam kung bakit nakakalimutan kong kinabukasan na pala.
hindi lang sa hindi ko sinasadya, madalas ding hindi ko inaasahan.
sino ba namang gustong makalimot? liban na lang siguro kung karapatdapat kalimutan gaya ng mga sawing pagibig, bigong pangarap at masalimuot na nakaraan. pero ang mga bagay gaya ng pagsisipilyo, asaynment at petsa ay mga bagay na sa akin mismo ay hindi kalimot-limot.
pero ang utak ay may hangganan din.
walang bagay sa mundo ang unlimited. kahit pa ang promo ng globe ay may expiration din. ganun din marahil sa utak ng mga tao. kapag nagtagal ay nabubura na rin sa alaala. nababaon sa limot.
at ang mga bagay na nalilibing, gaano man ka-lalim ay nahuhukay pa din.

Subscribe to:
Posts (Atom)