madalas akong tinatawag na ganito ni dru. sa kanya ko nga itong unang narinig. S-L-O, slow. mabagal. ako yun.
ako na ang laging nahuhuli matapos kapag may kainan dahil bawat subo may kasamang limang kwento. ako na ang laging napagiiwanan kapag naglalakad bilang mabilis pala talaga maglakad ang mga lalaki kaysa sa babae. ako na ang umaabot ng mahigit tatlong oras bago makaalis ng bahay sa dami ng seremnonyas. ako na ang mabagal mag-draft ng kung ano bilang isang malaking sagabal ang facebook. ako na ang mahina maka-pick up ng joke at lahat ay tumatawa na ako na lang ang hindi pa.
ako na ang mabagal maka-gets.
minsan kasi may mga bagay na malabo sa paningin kaya kelangan pa ng paliwanag. pero may mga pagkakataon din naman na may paliwanag nga, wala namang nakikita.
masyadong malabo ang mga bagay. masaydong malabo. kelangan ng paliwanag.
mabagal nga kasi akong makagets.
No comments:
Post a Comment