halos hindi tayo nagkita-kita [kung tutuusin hindi ko naman talaga kayo madalas makita bilang lagi naman akong wala] nitong linggo. paano pa kaya sa susunod, lalo pa at hinahaggard na natin ang ating mga thesis.
naalala niyo pa ba? noong medyo maluwag at masasaya pa ang mga buhay natin? ang mga all-nighters? yung mga panahong alam nating kaya nating magmilagro ng ground-breaking, awe-inspiring, jaw-dropping presentation ng isang gabi lang? yung mga panahong keri lang?
grabe lang yung set-up nun, pag-alala ni pao nung minsan, didiretso tayo kina nads, tapos maguusap saglit. sa paguusap o brainstorming, magsisimula na kaming magtalo ni tim [bilang lagi naman kaming nagtatalo, nagpapayabangan for more]. matapos magtalo mapipikon naman si tish dahil maingay ako. at pagkatapos akong pagsabihan ni tishie ay magse-self pity ako ng mga isang oras mahigit.
hay. ang saya noon ano?
tapos sa isa naman nating klase, dun naman tayo kina mico para sa masarap na tsibog [masarap din naman kina nads, maraming salamat sa mang inasal na bukas pa hanggang 3am!]. kung saan-saan na din tayo/kayo napunta sa paghahanap ng masarap na pagkain. noon, bago tayo pumunta ng mang inasal ay nagco-coffee bean muna tayo, kahit pa si tim lang naman talaga ang bumibili noon ng kape makapag-stay lang tayo para sa wifi. nakapag-chili's din kayo noon. sayang umalis ako kaagad noon, nakajackpot tuloy kayo nang wala ako. paborito din natin yung shawarmahan malapit kina mico. yung shawarmang jampacked sa laman! the best yun kahit pa tumatawid pa ko para bumili ng icecream sa may tapat bilang hindi naman ako mahilig sa shawarma. andyan din ang luto ng mami ni tish. ang the best na sinigang at spageti, pati na din pala ang overflowing supply ng tsitsirya at stiko. at higit sa lahat, sino ba naman ang makakalimot sa ating isaw-escapades! matapos nun sinumpa kong hindi na ko kakain na isaw muli [kahit malayong matupad yun bilang masarap naman talaga ang isaw].
hindi natin makakalimutan ang pagkain. pero lalong hindi natin makakalimutan si jona at ang nagdadasal na isda. naalala ko pa, si jona ay pinanganak natin sa sarah's at ang nagdadasal na isda ay sa coffee bean. at kung hindi ako nagkakamali, dahil yun kay jona at tinawag natin ang ating grupong 'best group ever' [ang grupong malakas manalig o baka naman kasi bertdey ni nads nung presentation natin nun].
paano na kaya tayo ngayon tayo ay kanya-kanya na? wala nang nads na masipag gumawa ng posters at storyboards [sa kanya din pala kami palaging tumutuloy. hooray denara!]. wala nang tim na magaling na photographer at maasahan sa mga konsepto [hindi man sa kanya nanggaling ang fedora hat ni jona, siya naman yung nagpauso na takpan ang isang mata niya gamit nito at yun na ang tumatak sa lahat]. wala nang tish na oc-oc at madalas ajit [isama na din natin ang forever tagagawa ng radio ad]. wala nang pao na magdidivide ng workload sa lahat [at syempre tagapuri ng pagkain 'ang saraaap']. wala nang mico na magaling magluto. wala na din pati ang tropa. wala nang mon na maasahan sa kahit saan. wala nang uds na taga-kwento ng kung ano. wala nang carla e. na madalas ding ajit gaya ni tish. wala nang carla cruz na tila laging naliligaw at confused ba. wala nang andy na maasahan sa kahit anong musika. wala nang mark, wala nang kris, wala nang arly, wala nang guia, wala nang paul, wala nang piya, wala nang jaz, wala nang chalk, wala nang tumatamabay sa likod.
wala nang tumatambay sa likod. ang lungkot.
ilang araw na lang ba? naku, delibs na.
No comments:
Post a Comment