Monday, September 29, 2008

ice cream

ngayong linggong ito ay naka-apat akong icecream.

ang saya saya lang.

yung tipong sa sobrang saya wala na kong masasabi pa. masarap na, masaya pa.

kahapon matapos ang hlt, eh pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod ako. marahil kasi kulang pa ako sa tulog magmula noong huwebes at dahil kasi ay nakakapagod nga naman makipagusap sa lahat ng tao noong hlt.

pagod na pagod ako. sobrang pagod. na noong nasa misa kami ay muntik na akong makatulog.

kaya matapos nun misa ay nag-aya akong kumain ng ice cream.

alam mo yung parang pang-komersyal na matapos uminom ng kape eh gising na gising lang yung epek?

ganun na ganun yung nangyari. matapos ang unang subo ko ng icecream eh bumalik ang lahat ng lakas sa katawan ko! parang bato ni darna!

sa sobrang sarap at sobrang saya kumain ng ice cream wala na kong masabi pa.

at dahil di na ko makapagsalita, nakapagpahinga ako.

sa ingles, 'i found rest in a cup of ice cream'.. parang ganun ang drama.

ang galing lang na sa maliit na bagay natin nahahanap ng magpapasaya sa atin. at sila din ang makakapwi ng ating mga pagod.

sa linggong ito, apat na beses akong nanahimik sa sarap at saya.

praise God!

Friday, September 26, 2008

isang araw na waw

alam mo yung feeling na wala ka ng masabi sa sobrang saya?

speechless kumbaga.

kanina natatahimik ako ng sobra-sobra paano kasi grabe ako minahal ng Diyos ko ngayon.

mula sa masasarap ng pagkain, hanggang sa masasayang tawanan kasama ang mga kaibigan, hanggang sa matagumpay na presentation sa iskul, hanggang sa masasayang tawanan ulit kasama pa din ng mga kaibigan, hanggang sa paguwi sa bahay, hindi ako pinabayaan ng Diyos ko.

wala na talaga akong masasabi pa.

totoo na ito ay isang araw na waw. waw lang talaga.

praise God!

Saturday, September 20, 2008

bidyoke

wala na kaming ibang ginawa kundi magbidyoke.

mapabirthday man o wala lang talaga, basta may magic sing eh hala ayan at kakanta na.

sa totoo lang ay hindi ako kailanman nasa tono. at bibihira ang mga pagkakataon na papalo ng nobenta ang puntos ko sa magic sing. pero wala akong pakialam. masarap kumanta kahit na nagtatakip na ng tenga ang aking mga tagapakinig.

paborito ko dati yung 'total ecclipse', yung pagbumirit eh papalo ng otsenta yung score. kaso nagsawa ako at napakanakakabulol niya na kasi.

hanggang sa naging 'ironic'. kapag chorus lang papalo ng nobenta ang score pero pag natapos, sebenti lang pala ang makukuha ko. pero gusto ko yung kanta. ang ganda kasi ng liriks na tipong nakaka-lss talaga.

pero ang panalo ay 'top of the world'. yung sasabayan ka ng sambayanan dahil panahon siya ng lahat ng henerasyon. klasik kung klasik. alam ng lahat ang liriks. higit pa diyan, nakaka nobenta'ynuebe yung score ko. winner kung winner.

kung iisipin, ang pagbibidyoke ay hindi nakukuha sa iisang kantahan lang. hindi ka makakaperpek kung walang praktis. paano kasi malandi yung mic at kailangan mong hasain ang lalamunan mo para sumwak ang lakas ng boses mo sa hinihingi ng sensors ng mikropono.

eto ang kwento,

naghahanap ako ng kabuluhan sa mundo. kung ano ba ako at para saan ako.

simple lang pala ang sagot.

bata pa ako at hindi ko pa ngayon malalaman ang kabuluhan ko sa mundong ito. marami pa akong pagdadaanang kung anu-ano at marami pa kong makikilalang kung sino-sino.

sasablay pa muna ako ng maraming beses para matuwid ang maraming bagay tungkol sa akin at sa aking pamilya, kaibigan, pagaaral, pagibig at katarungan.

hindi pa tapos sa akin ang Diyos.

sa huli, sa tinagal-tagal kong kinakanta ang 'ironic' hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang tono ng huli niyang linya. buti na lang pala at meron pa akong ilang libong taon para malaman kung ano ba talaga ang tono nun. basta kakantahin at kakantahin ko lang siya. makukuha ko rin.

praise God!

Sunday, September 14, 2008

ANG MAHIWAGANG KWAGO: kwentong puyat, lamay at eyebags

dapat ay matutulog ako ng maaga ngayong gabi.

sa totoo lang, hindi eyebags ang ebidensya ng aking paglalamay sa kawalangkwentahan pag gabi. sa halip tinutubuan ako ng sandamakmak na tigyawat sa mukha, likod at sa tenga. kaya sabi ni mama matulog na ako ng maaga.

pero hindi ko kaya.

naglalamay kasi ako sa harap ng kompyuter at nanunood ng detective conan.minsan naman kausap ang ilagn kaibigan sa ym. pero mas madalas na naunuod lang ng detective conan.

hindi ko maiwasan ang magpuyat sa gabi para dito. paano kasi ito na ang aking 'sweet escape' mula sa lahat ng kawindangan ng mundo.

at laking salamat ko para dito.

kaninanina lang, kaya marahil ako ay puyat ngayon, ay binasa ko ang mga kumento ng mga tao mula sa pinost kong blog. maluhaluha ako. ang tanga ko para hindi makita kung gaano karami ang taong nagmamahal sa akin.

ang galing lang talaga.

siguro ngayon kailangan ko lang panindigan ang pagiging mahiwagang kwago ko. liban sa pagpapatuloy ko ang pagpupuyat (paano kasi ay kaakibat ito ng karir ko) ay kailangan kasing laki rin ng kwago ang mga mata ko. para makit ko kung gaano ako nabiyayaan ng mga taong nagmamahal sa akin.

sa huli, nakakakita sa dilim ang kwago. marahil kailangan din ako makakita muli kahit wala akong makita. 'relearn' ika nga nila.

praise God!

Saturday, September 13, 2008

PAGIBIG AT LARO: kwentong basted kahit di naman nanligaw at natalo kahit di naman naglaro

ngayon alam ko na ang feeling ng basted...

yung parang ang panget mo lang talaga kasi hindi ka nga sinagot. yung mapapaisip ka nga ba kung ano ang meron ang iba na wala sayo. basta, nakakapikon.

di naman ako nanligaw (malamang kasi babae ako kaya hindi) pero ngayon naramdaman ko kung gaano kasakit matalo sa laro ng pagibig.

sa totoo lang ang labo talaga.

ngayon ko lang narealays ang kahalagahan ng kilig sa katawan. na minsan, liban sa nagdadala ito ng lubos na kaligayahan, nagpapaganda din pala ito ng aura. kaya pala parang ang ganda ng dating ng mga taong in love.

kaya siguro ang pangit ko ngayon.

tinitigyawat at dry ang buhok. loveless nga ako marahil.

matapos ang naudlot kong relasyon, hindi na ako tumapak muli sa arena ng pagibig.

kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. hindi naman ako in-love eh basted ang pakiramdam ko. hindi naman ako naglaro, napipikon naman ako.

hay bianca

you complicate things...

wag mo na lang kaya ito tapusin para wag mo ng maisip...

Sunday, September 7, 2008

ANG TAWAG NI MOTHER NATURE: kwentong banyo, dighay at mabahong t-shirt

simulan natin sa dulo ng pamagat.

alam mo yung feeling na mukha kang mabaho? yung pakiramdam mong walang tumatabi sayo kasi amoy pawis ka na at mukha kang may jabar. kadiri pero totoo.

meron akong ilang tshirt na kapag iyon ang suot ko ay mukha lang akong mabaho. parang kanina.

kanina kasi ay nakajumper ako. wala na akong ibang mapares sa jumper kaya sinuot ko iyong manipis kong dilaw na tshirt. mukha naman akong mabango noong una pero nang sinimulan kong lumakad sa ilalim ng araw, aba eh pakiramdam kong ambaho ko na.

hindi naman ako umaalingasaw. hindi pa naman ako sinusundan ng kumpol ng mga langaw gaya ng sa tv. ang init lang siguro talaga ng pakiramdam ko kaya ganoon. kaya ko din siguro nasusungitan ang maraming tao.

kaya maghapon mainit ang ulo ko. at dahil mainit ang ulo ko, malungkot ako.

kanina nagkaroon ako ng 'slight depression'. nagsimula na naman ang kinatatakutan kong kalungkutan. di ako mapakali kakaisip kung ano ba ang nagpapalungkot sa akin gayong wala naman akong dapat kalungkutan. sabi nga ni ate telle at paolo, tumigil muna ako sa pagiisip, sa kakaisip ko daw kaya ako nalulungkot.

pero higit pa sa malungkot ako ay dighay ako ng dighay ngayong hapon. pagkagising ko kasi kaninang hapon mula sa aking siyesta ay nabigla ang aking tiyan sa paginom ko ng tubig.

kaya habang dinadramahan ko na naman si part ay, sa loob loob ko, natatawa ako kasi dighay ako ng dighay.

higit pa sa dighay ay tinawag din ako ni mother. nakakatawa pero iyon lang pala ang magpapawala sa init ng ulo ko.

kasabay ng pagkawala ng init ng ulo ko ay nawala din ang kalungkutan ko.

masaya na ako muli.

napaka refreshing ng experience

sa huli, tama nga si kuya dy, 'refresh' ang tema ko ngayong linggo. hindi lang dapat masaya, dapat maging mas masaya.

praise God!

Tuesday, September 2, 2008

marco polo freeze!!!

sawa na ko sa tagotaguan. marco polo freeze naman.

hanapan pa din ang layon ng laro. kaso, sa halip na nagtatago sa sulok-sulok ang mga kalahok ay hihinto na lang sila sa kung saan man sila nakatayo pagka sabi ng taya ng 'marco polo freeze'. hindi lang ganun kadali yun dahil nakapiring ang taya kaya mahirap pa din maghanapan. para mas madalian ang taya, kapag sumigaw siya ng 'marco' kelangan sumagot yung iba ng 'polo' at base sa maririnig ng taya ay dun niya hahanapin sila. ito ay version namin nung bata pa ako.

sa totoo lang may isang bagay na nagudyok sa akin na sulatin ang seleksyong ito...

Finding Love Beyond all Reason

yung hindi mo naman nakikita pero alam mong nandyan.

yung kahit ilang beses ka pa pakagalitan ng magulang mo eh alam mo na mahal ka pa din nila.

yung kahit lagi ka nalang inaasar ng mga kaibigan mo eh alam mong mahal ka nila. tough love kumbaga.

yung kahit gaano ka pa pinagkaitan sa maraming bagay eh alam mong mahal ka naman kung hindi man ng tao eh di, ni papa God.

yung alam mo lang basta na mahal ka kahit wala namang chocolates, roses and love letters.


ngayon alam ko na kahit gaano pa kasalimuot ng buhay ko, gaano man kadrama ang kwento ko, gaano man kahirap mabuhay sa panahon ngayon, gaano man kamahal ng pamasahe papuntang katipunan at kahit gaano pa kabagal ng computer ko magload ng detective conan episodes alam ko, sa loob loob ko, na kahit dapat malungkot sa saklap ng buhay eh mas dapat maging masaya dahil kahit papano may mga nagmamahal pa sa akin.

nakakita ako kahit wala akong makita.

sa huli, kahit pa nakapiring ang taya sa marco polo freeze ay nahahanap pa din niya ang kanyang mga kalaro. hindi man niya makita, alam pa din niyang nandyan lang sila. ngahihintay mataya.